Contributor

Britneeeey, Philippines

Stress Freeeeee? 1st Baby❣️

About Britneeeey

Posts(21)Replies(283)Photos(1)
Write a reply

BIRTH STORY OF MY BABY MARCUS❤️

EDD: Dec. 25-28 DOB: Dec. 9 Weighing 3 Kilos?? via Normal Delivery Just sharing my Birth Story as a FTM. Dec. 9 ng mga 2am nagising ako para magwiwi then ibabalik ko na sana underwear ko ng biglang may tumulo na tubig kasi tapos na naman ako umihi, nagtaka na ako pero hinayaan ko lang tapos balik sa higaan. After ilang mins. basa na yung shorts ko kaya ginising ko na partner ko sabi niya observe ko muna. 3am medyo sumakit yung puson at balakang ko pero di ganun kasakit. Ang ginawa ko sinearch ko na yung # ng lying in at nag ask ako kung normal lang ba na labasan ng konting tubig at agad nman nagreply kng smasakit ba, sabi ko hindi msyado at sinabi nya na magpunta ng 7am para macheck kung open naba. 7am nkarating na kami sa lying in at Open cervix na ako 1cm. Sinuggest na magpaultrasound para macheck panubigan, okay nman result tas umuwi na kami. Mga 10 nasa bahay na kami, naglaba pa ako ng bedsheet pero hindi ko na natapos kasi palala ng palala sakit ng balakang ko. 2pm nagdecide na yung inlaws ko na magpunta na sa lying in kasi naiiyak nako sa sakit. Pagkacheck sakin 3-4cm na ako kaya inadmit na agad ako. 3pm-6pm ako nagllabor. Pinakaworst. Sobrang sakit. Haha nassuntok ko na pader pati partner ko. Nagmmakaawa na ako na ayoko na. Panay iyak. Tulog tapos iiyak pag nasakit. Before 6 pm pinasok nako sa delivery room. Pag nahhiga ako nawwala yung hilab, inorasan na ako na kapag 730 hindi pa nalabas illipat na ako sa hospital. Sabi ko ayoko. Nauubusan na ako ng panubigan pero pnipilit ko parin na mailabas gang sa tumawag na sila ng back up para magtulak. Bale 4 na sila nagtulak. Pumatak ang 8:30, sobrang pressure na ako kaya sobrang dasal at ere tlaga para lumabas at Thank GOD, 8:35 baby's Out. Muntik na ma-CS pero hindi tlaga ako pinabayaan ng mga staffs sa lying in. Sobrang thankful na nag OT sila ng 1hr na hindi bayad at hindi pagsuko sakin. Thank you sa Kenwalys Lying in dito sa Bulacan. Thank you sa baby ko na excited lumabas kasi ang bigat na pala nya, panigurado kung di pa sya lumabas mlamang maCS na talaga ako. Iloveyou bbq

Read more
BIRTH STORY OF MY BABY MARCUS❤️
Write a reply