#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!

Sasagutin ng LIVE ni Atty. Vincent Mataban, isang law professor, ang mga katanungan ninyo tungkol sa batas. POST YOUR QUESTIONS NOW! TANDAAN: - Ang first 50 questions po ang priority po na sasagutin ni Attorney. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!
83 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

42. Possible ba na hindi pwedeng makita at mahawakan ng partner ko ngayon yung baby namin after ko makipaghiwalay? nakaapelyido sa kanya yung baby ko. Live in po kami pero umay na umay na po ako sa ugali nya at gusto ko na po makipaghiwalay. Napapagod napo ako na mura murahin ako araw araw at paramdam sakin na bobo tanga at kung ano ano pa. At kung pwede pa ba paalis yung apelyido nya sa birth certificate? Salamat po!

Magbasa pa
6y ago

Kung kayo ay hindi kasal, nasa iyo ang custody ng bata, pwede kang makipag hiwalay at ikaw ang mag aalaga ng inyong anak kahit na apelyedo pa ng kaniyang ama ang kaniyang gamit. Hindi mo pwedeng basta basta palitan ang apelyedo ng inyong anak. Kailangan mong magfile ng kaso sa korte at magpakita ng magandang dahilan bakit gusto mong alisin ang apelyedo ng kaniyang ama at gamitin ang sa iyo.