#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!
Sasagutin ng LIVE ni Atty. Vincent Mataban, isang law professor, ang mga katanungan ninyo tungkol sa batas. POST YOUR QUESTIONS NOW! TANDAAN: - Ang first 50 questions po ang priority po na sasagutin ni Attorney. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)
Want to ask din po, what if before nag try ako mag ask ng sustento sa tatay ng anak ko (not married) kaso sabi niyq kung ibibigay ko saknya papagamot niya anak ko pero kung hindi wala daw mabibigay? Or di naman daw kaya sa manliligaw ko non dun ako manghingi Hinayaan konapo kasi at hindi nako umasa na ngayon going 4yrs old na si baby ko and minsan lang siya nagparamdam at nagsabing gustong hiramin kaso ako ayaw ko okay lang ba yun na di ko mapakita saknya ang bata? O kailangan ko ipahiram may pwede ba siyang ibigay na kaso sakin sakaling ipagdamot ko yung anak ko saknya? O di naman kaya naman meron ba akong pwedeng gawin na ifile para hindi ko siya bigyan ng karapatan sa bata kahit nakaapilido saknya? Please sana may makasagot and if ever po na mron kahit sin ang same case samin help me. Tiaaa.
Magbasa pa7. Good day po atty! 1. Married na po ako. Meron po akong unang anak who's surname was mine. Possible po ba palitan apelyido ng first born ko sa married name ko? Or need po ba ampunin ni husband ko? Ano ano legal process? Kung sakali how much does it cost? Pwede po ba i-process dito sa manila kasi i gave birth sa zamboanga city. 2. Kung sakali po hindi papalitan ang apelyido ng first born ko, wala po ba magiging problem habang lumalaki siya? He is 9 yrs old already. 3. May nagpapatanong lang: hindi po sila kasal pero may anak po sila, naka apelyido po sa tatay. Pwede po ba daw tanggalin yung apelyido ng tatay since hiwalay na sila and hindi naman po sinusustentuhan. Nakapirma po yung tatay sa birth certificate. Thank you po atty. for answering all the questions.
Magbasa pa1. Attorney I'm planning to file an annulment case versus sa ex wife ko for a lot of reasons na hindi ko na po ididiscuss. Few questions lang po sana: 1) Pwede ko bang gamiting pambala sa ex wife ko na may anak sya sa iba or ipapakulong ko sya for adultery para sa annulment proceedings e hindi sya makapag demand ng amount ng child support ko sa anak ko sa kanya? Isa lang anak namin. Tapos nagpabuntis sya sa ibang lalaki. Or pwede po bang internal arrangement un? 2) Required po ba ang spousal support? 3) Ano pong magiging impact sa case kung mapatunayan ko na ung anak nyang isa e hindi sakin kundi sa lalaki nya? May birth certificate po ako nung bata. Naka apelyido po sa tatay at naka declare dun ung pangalan ng tatay. Thank you po
Magbasa paHi Attorney putol po sagot nyo hehehe
6. Hello Attorney, magandang araw po. May consent letter na kasi kaming mag asawa galing sa biological father ng anak ko sa una, ano po ang susunod na process? Nagdecide na po kasi yung asawa ko na iadopt na yung anak ko sa una at madala na yung surname nya. By the way po, 7 years old na po yung bata and simula nung iwan kami ng tatay nya (hindi po kamo kasal) di na din po nagsustento. Ako po ang nagtaguyod sa bata simula 2 years old hanggang sa makapg asawa na nga po ako mung 2018. Wala na po akong balak humabol sa sustento kahit pa nakapirma siya sa birth certificate ng bata. Ano na po ang next step and mga magkano po ang gagastusin if ever po na ilapit namin sa PAO? Thank you in advance po!
Magbasa paMagandang hapon po. Marami pong requirements bago makapag legally adopt. Isa po sa requirements ang consent ng biological father. Eto po ang mga dokumento na kailangan ninyong kunin: 1. NBI Clearance; 2. Police Clearance; 3. Court Clearance (Regional Trial Court at Municipal Trial Court); 4. Prosecutor's Clearance; 5. Financial Capacity ng mga aampon (Bank Statement, Income Tax Return, Business Permit, etc); 6. Pre- Adoption Report before a social worker. Hindi ko lang po alam kung tumatanggap ang Public Attorney's Office ng mga kaso tulad nito pero maari po kayong magpunta sa kanila upang itanong. Maraming Salamat at mag ingat po tayo laban sa Covid 19.
5. Hi Atty. Magandang tanghali po. Ask ko lang po for my sister, nagkaanak sila hindi kasal mula't mula na sa kapatid ko na ang bata bago pa man ipanganak eh hiwalay na sila, ngayon naghihingi sustento kapatid ko para sa anak nya 150pesos every week pag may pasok lang kaso parang kulang naman yata kasi magkano na lang ba aabutin nyan, katwiran naman nong magulang nong lalaki eh wala naman daw trabaho yung ama so pag ganun ba po hanggang don na lang yun? kung gusto daw suportahan eh idoon daw ang bata sa kanila. 6years old lang po yung bata at nong tumungtong lang ng kinder saka lang nanghingi suporta yung kapatid ko kasi di na nga kaya gastusin plus may pamilya na din kapatid ko.
Magbasa paThank you Atty. Keep safe din po tsaka sa pamilya nyo po.
41. Hi Atty. Good afternoon po! May anak po si hubby sa pagkabinata. 11 yo na po ata ito at dala po apelyido ni hubby. 2 yrs old pa lang ata nung naghiwalay sila ng ex niya. Both parents ay may sarili ng pamilya at kasal na. Hindi po nakakasama ng tatay ang anak niya dahil ayaw ipahiram ng nanay. Naalaka ko before about 5 yrs ago. Kapag binibigyan ng tatay ung anak niya e nagagalit ang nanay binbalik lahat kaya un d na nageffort pa ang hubby ko na mag abot.. ask ko lang if possible bang mapalitan ng nanay ang surname ng bata kahit walang pinipirmahan na papeles ang tatay nito? Naasa din kami na in time eh hayaan na ng nanay na lumapit ang bata sa tatay nito. Salamat po
Magbasa paThank you so much Atty. Noted ko po ito baka mangyari in the future. Godbless po ❤
37. Ako po si jade, 28 years old at 6 months ng buntis sa una kong anak, mag tatanong lang po ako about sa sitwasyon ko ngayon may naging bf po ako hindi ko alam na kasal sila nung una nyang kinasama meron silang anak na mag 9 years old na at matagal na silang hindi nag sasama nung asawa nya at alam ko yun, pero ang hindi nya sinabi eh kasal sila, ngayon po buntis ako at balak ko na ipaapelyido anak ko sa kanya ok lang po ba kung ipapangalan ko ang anak ko sa ama nya?, at ano po habol ko o pwede ko ikaso sa tatay ng anak ko pag hindi sya nag bigay ng sustento kahit nasa tiyan ko pa ang bata hiwalay na din po kami nung ama ng anak ko? salamat po ❤️
Magbasa paWala pong magiging problema kung gagamitin ng anak ninyo ang apelyedo ng kaniyang ama basta iacknowledge siya bilang anak. Kapag hindi po nagbigay ng sustento ay maari po kayong magfile ng kaso for support or ng criminal case for economic abuse ayon sa R.A. 9262.
36. Hello atty. I hope ma tulungan nyo po ako at ang baby ko. Hindi po kami kasal ng Ex boyfriend ko pero nakipag hiwalay po sya habang buntis po ako 3 months pregnant po dahil may babae po sya. Ano po pwede ko ikaso sa babae dahil ayaw kahit alam nyang mag kaka anak na kami ay nakiapid padin sya sa ama ng anak ko kaya nakipag hiwalay sakin.? Ano po pwede ko I demand sa custody para sa anak ko po.? Pano po mang yayare sa anak ko if mag pakasal sa kabit yung tatay nya? Sa RA 9262 hindi ko po ba pwede ikaso sa kabit yung emotional and mentally abused na ginawa ng kabit habang buntis po ako ngayon? Sana ma tulungan nyo po kami. Salamat po
Magbasa paAno po mang yayare sa anak ko at karapatan nya sa ama nya kung mag papa kasal po yung ama nya sa Ibang babae? Lalo na po kung sa kanya po I aapilyido ang anak ko?
#AskAttorney Hi Attorney. Ung tatay ng anak ko ngayong kasal dati. Matagal na po silang hiwalay, more than 10 years. Nanlalake sa Dubai ung babae tapos nagkaanak dun, then hindi na umuwi. May dalawa silang anak. Gusto po namin iprocess na sana ung annulment any idea po kung nasa magkano na ngayon ang annulment, gaano po katagal ung process and in your opinion complicated po ba ung case namin? Mag 5 years plang kami ng bf ko. This year ako manganganak. Wala namang pinag uusapang malaking ari-arian. 15 and 14 y/o na ung dalawang anak nila. Sana masagot nyo po. Salamat.
Magbasa paMagandang gabi po. May grounds naman po ang inyong partner na mag file ng case for declaration of nullity. Base po sa inyong naikwento, maaring may Pesonality Disorder ang asawa ng inyong partner dahil sa kaniyang mga nagawa noon. Ang personality disorder naman po na ito ay pwedeng mai consider ng korte bilang psychological incapacity. Para sa iba pa po ninyong tanong, maari pong i consult po ninyo ito personally sa isang lawyer or thru private message.
Hello po! Ask ko lang po kung anu pwedeng kasi po nagkaroon po ako ng loan. Peri ito po ay pinag loan lang po ako ng tita ko. At siya po ang gumamit ng pera. Tapos po sa hindi inaasahan ay namatay po yung tita ko. Noon taon at mga nakaraan taon po ay ako ang nag bayad. Kaso po ay hindi ko na po kaya. Dahil nag karoon na po ako ng pamilya at anak. Sa madaling sabi po ay may mga bagay na ako pinag gagastusan. Sa ngayun. Paano po kaya ang pwede ko gawin. Pero yung amount po na na hiram ko sa company ay halos na bayaran ko na. Ang naiiwan na lang po ay yung pinaka interest
Magbasa paPaano naman po kung may mga naiwan na property's ang tita namin. Na pwd naman ipag benta. Kaso yung pinaka kapatid ay ayaw makipag cooperate
Queen of Two Beautiful Angels