Pregnancy Experience

APRIL 19 2020 8:45PM pumasok na ko sa kwarto dahil antok na ko naiwan sa labas ng bahay yung husband ko tska yung tito niya dahil ng lalaro sila ng ML. Nagising Ako ng 9:45PM dahil subrang ingay ng bubong nagulat ako dahil nakita ko yung husband ko na nakatayo na sa tapat ng pintoan at dahan dahan na binubuksan dahil maingay yung pinto pag binuksan.sininyasan niya ko na wag maingay dali dali siyang lumabas ng bahay para kumuha ng flashlight sa mama niya para tignan kong ano yung nasa bubong.habang patagal ng patagal lalong lumalakas yung ingay sa bubong natakot na ko yung tipong gusto ko ng umiyak dahil sa takot.sakto naman nung pag labas niya nandun pa yung tito niya dali dali silang umikot sa likod bahay pero wala silang nakita. ang dami na nilang gising at ng iikot kong ano yung nasa bubong pero pag umaakyat sila sa bubong wala naman silang nakikita.pag humihinto sila at ng pupunta sa harap ng bahay may tutunog nanaman sa bubong yung tipong pilit na inaangat yung bubong.after nilang mag hagis ng asin sa bubong nawala yung ingay sa bubong oh kong sino man yun.12PM na nung tumigil yung kong ano yung nasa bubong subrang nakakatakot kasi sabi nila aswang daw yun.pag gising ng umaga inakyat ng tatay ng husband ko yung bubong nakita niya na nakaangat na yung bubong.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Omg! ๐Ÿ˜ฑ