Irritation
Anu pong pwdng igamot sa na irritate na skin ni baby, pag katapos ko po kasing punasan ng bulak na may warm water si baby kasi tinanggal ko yung namamalat sa face nya tska lumabas yung butlig butlig sa face nya. Worried lang ako
Nagka ganyan din baby ko dahil sa lactacyd. Naka apat na palit kami ng baby wash including cetaphil pero wa epek.. Binigyan lang ako ng hipag ko ng sabon na ginagamit nya sa mga anak nya pag may rashes (reseta ng pedia) ayun, kahit pano naman nabawasan pero nababagalan ako sa result so I used sudocrem, tinesting ko muna sa rashes nya sa leeg to see if effective. In 2 days nawala na yung rashes kaya inapply ko na rin sa mukha nya. 3 days ko pa lang nagamit pero muka na lang rosy cheeks ang baby ko at wala na ring butlig, konting redness na lang.
Magbasa palalabas tlga yan mommy.... sabi ng pedia ng baby ko minsan madami pang nalabas pero normal daw yon kasi nawawala naman yon in time. wag lang ma irritate kasi sensitive p skin ng baby.. kaya if ever na parang hindi komportable si baby sa skin nya better consult pedia especially if worsen yon mga butlig butlig.. parang ng two months nawala n yong ganyan ng baby ko.... consistent kasi yong paligo at paaraw namin sa baby ko healthy sa skin wag mo kuskusin yong skin ng baby mo hayaan mo lang magbalat at matanggal ng kusa...
Magbasa paHello po . Ganyan rin sa baby ko dati bago po maligo binababad ko sa face nya ung cethapil na cleaser , then pagkatapos naman po maligo cethapil lotion naman po nilalagay ko sa muka nya cethapil lotion for dry/sensitive skin .Twice a day po Pag punta ko sa pedia pina continue nya lang ung cethapil . Baka lang po makatulong . Yan po picture nya,wala lang ako picture nong maraming butlig muka nya.
Magbasa pabakit po warm water? masyado sensitive balat ng newborn sobrang nipis nyan dapat lukewarm water. Isa pa, normal yan sa newborn mawawala din yan katagalan although may ilang baby na makinis talaga paglabas. baka madiin pa gawa mo kawawa naman si baby. minsan sa sabon din na gamit kaya ganyan balat pero promise mawawala yan kailangan lang ay patience ligo sa umaga tapos punas sa hapon gamit ang cotton
Magbasa paayan po nireseta sa amin ng pedia ni baby kasi nagkaganyan din sia sa facem sabi ng pedia niya seborrheic dermatitis daw yan. Papahiran mo lang c baby ng cream pero manipis lang. avoid ang eyes at mouth. once a day, after bath. After a week nawala na sia sa mukha ni baby. Pinalitan din ang sabon niya ng cetaphil baby gentle wash and shampoo Effective din yang cream sa bungang araw
Magbasa paGanyan din sa baby ko dati, then nag consult kami sa pedia niresetahan kami ng Physiogel at pinapalitan yung sabon ng Baby. Wag din daw pahalikan sa may bigote kasi na iirritate din balat nila dun. Yung gatas ko din pinapahid ko sa mukha niya.
Next time moms wag mong gagalawin o kaya tanggalan ng kung ano sa balat ni baby. Maiiritate po talaga skin nya. Hayaan mo lang mawala. Kusa naman po yan naaalis. Pacheck up nyo na po si baby.
Next time mamsh. Wag mo tanggalin yung namamalat na balat sa katawan nya kusa naman yon maaalis :) pacheck up mo nlng para maresetahan k ng tamang ointment or soap para sa skin ni baby :)
Normal talaga yan. Ganyan din baby ko. Dalle care Cream yung nilagay ko sometimes. And kase bf mom ako, nilagyan ko din ng milk .. Malapit na xang mawala ngayon .. Etry nyo po..
Nag ganyan din baby ko before and nag consult lang ako sa pedia nya. I also changed yung cleanser nya. Before kasi cetaphil skin cleanser pero now cetaphil baby wash na po.