KABIT

ANU-ANONG DAHILAN BA BAKIT NAGKAKAROON NG KABET ANG ISANG ASAWA? ISA BA SA DAHILAN ANG HINDI SATISFY SA SEX LIFE NIYONG MAG ASAWA KAYA TUMIKIM O TITIKIM NG IBA?

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

i am a kabit.. i am pregnant with him right now 11weeks. its not because hindi cla nasasatisfy sa inyong mga misis that is why cla naghahanap. not all reasons are sex, others is the comfortability of the husband. minsan kasi kahit asawa nio na, prang uncomfortable pa rin kau sa isa't isa. nagiging careful kpa sa actions mo and u cant still show who and what u are both.. so u have to help each othet to bring out yourselves. hindi rin dahil sa paghihigpit ni misis. sometimes they were so stressed at home at able to go somewhere where they accidentally meet another. hindi dahil sa sinasadya nila but because of the temptation. my partner is a 63yrs old, i am 32 but believe it or not, ilove him with all my heart.. we met in an occasion, and he starts to pursues' me. he is so kind and very gentleman. i never ask if he had a wife before when we are getting to know each other, why would i, he is 54 that time and at that age its impossible that he is not yet married or with someone. (we are now 7years) everything was not planned. it just happens we fall from each other. from the start to to almost 4years, i took pills. no plan of getting pregnant. but as time goes by, he said that i dont need to take pills anymore, and he wants to have baby with me. after 4years that we planned to get pregnant here i am 11weeks pregnant. hindi lahat ng kabit masama, kabit ako pero i stay where i am.. i never made him choose. time and love is enough for me especially being responsible. i have a daughter, im a single mom, binata ang tatay ng 1st baby ko, irresponsible and stupid and scared. so when i met my partner today, i fell inlove with him, a mature man who is very responsible. so caring and loving. i ask this questions to him. bakit nia nagawang magcheat sa wife nia, what gives him a reason to cheat.. i remember he answered me, its not intentionally.. it just happens but when time comes nalaman na ng asawa nia or mahuli kami, he will let me go. and i never argue with him on that. because it is what is need to happen to correct his mistakes. i told him na pwde naman itigil na habang maaga pa, nung di pa ako buntis. he said" no, i am happy and i feel my real self when im with you, lets enjoy evry moment when we are together". i cant say i am wasting my time with him nor my life with him because he is a married man. baka sa 7years namin e nakilala ko na ang taong para sa akin na binata, diba? kaya lang, i love him so much and i am happy with him. but eventhough i love him this much, i am ready to let him go when his wife founds out. kahit buntis ako or magkaanank n kmi soon. i dont need him. i am an independent woman, one reason he wants about me. at least i have a souvenir of him that will be mine forever. (my baby).

Magbasa pa
4y ago

i am too, but a very painful situation

I was cheated by my husband (not literally husband pala kase dipa naman kami kasal) 12 yrs yung gap namin akala ko noon kapag mas matanda sayo mas matured yung pag iisip nya akala ko andun na sya sa life na ang priority na lang nya e magiging anak nya at ako, kami pero I was wrong pala dahil 4 months preggy pa lang ako nalaman ko na niloloko nya ko with her Ex na almost 8 yrs, nakita ko lahat ng pang gagago at kababuyan nila. Siguro sadyang mahirap lang din kalimutan yung 8 yrs nila together pero akala ko kase noon maiisip nya na magkakapamilya na sya ilang beses ako nag try umiwas, makipaghiwalay, magpakatanga pero parang wala lang sakanya tinanong ko din yung sarili ko ano bng mali ano bng kulang then I realized na sguro baka hindi pa talaga sya handa sa lahat ng bagay na to sguro masyado pa syang na p.pressure kaya sabi ko tsaka ko na lang titignan pag lumabas na yung baby kung magbabago na ba or may pagbabago pa ba kaya hinayaan ko sya ng bongga as in di na ko nangialam until eto na malapit na ko manganak sya na tong bumabalik may hinala pa din naman ako sa lahat ng nakikita at ginagawa nya, ang hirap kase magtiwala ulit pero need kng gawin dahil hindi naman pwedeng nakatali tayo sa mga pain na binigay nila saten. Once tinanong ko din sakanya yan kung di na ba sya na s.satisfied sa sex life namin kaya nya nagawa yun but then he answered Hindi daw dahil lang sa sex kaya dun ako natauhan na ay mahal nya pa din si ex pero sabi nya nga, wala naman syang ibang pipiliin kundi ang anak at anak nya lang gusto pa din naman daw nyang maayos kami kaso yun nga natatakot sya na baka ako naman daw yung magloko inshort natatakot na sya sa sarili nyang multo. Takot sya na baka iwan ko sya in time dahil sa age gap na meron kami. Basta lagi ko na lang pinagdadasal na anoman ang mangyari makayanan ko lahat ng to para samin ng baby ko andyan man sya o wala dahil tanggap ko na lahat at hinayaan ko na.

Magbasa pa

Wala sigurong definite na rason basta pag nagustuhan nila at bumigay sa tukso ayun go na sila sa pagcheat. Kami nga ng asawa ko 1 month before ikasal nahuli ko pa na nakikipagtextmate at landian sa katrabaho nya. Magkasabay pa yata napasok at nauwi dahil nag-aantayan sa shuttle. Hindi nya pwedeng sabihin na dahil sa sex dahil sigurado akong wala akong pagkukulang dahil madalas sya lang nakakaraos at nakakandasigaw pa sa sarap. Siniguro ko din na alaga ang katawan ko at sarili ko dahil gusto kong maganda naman ang itsura ko pag ikinasal ako.. pero wala kahit gaano ko man inayos ang sarili ko at sinatisfy sya sa sex ginusto nya pa din na magloko. So ayun siguro tanga ako kasi nagpakasal pa din ako sa kanya. Pinatawad ko naman sya sabi nya hindi na sya uulit. Hoping and praying na hindi na talaga nya gagawin un. Tinanong ko din sya kung bakit nya un nagawa.. hindi nya ko mabigyan ng definite na reason.. sabi nya nangyari na lang daw.. Going 3 years na kaming kasal sa May 27.

Magbasa pa

Depende po kc sa sitwasyon nio baka ldr kayo or kubg mag kasama nmn kau lagi baka po may pag kkulang kapo kc gusto po nang mga lalaki ai ung cla po ung inuuna at gusto nila inaasikaso mo cla at swit kadin po dpt at dpt po pala ayos kapo sa sarili mo ganyan po nangyari sken wala ako ka alam alam na na my pag kkulang na pala ako sa asawa ko naging mainitin ulo ko nun nalaman ko po linoko ako na realize ko na ako un nag kulang sumobra na ung ugali ko ginawa ko inasikaso ko cya at nging swit ulit sknya un nag bago po cya nalaman ko po nung oras na un pinapapili cya nang girl tnx god ako parin pinili nia kaya po my dahilan po cguro mga asawa natin kung bakit cla nag loloko ung iba po kc matagal na nila ginagawa un sadjang f*** boy cla pero nainiwala po ako lahat po nang nag ccheat ay kayang nmn mag bago bsta lagi po natin ssabihan c mister at i konsensya po natin makaka pag icip po cla ganyan po kc ginagawa ko kaya nag bago na cya

Magbasa pa

May iba't-ibang dahilan po yun base sa experience ko. Katulad na lamang kung LDR, dati nagloko ako kasi yung dating meron kami ng BF ko na ngayon ay asawa ko na ay naglahong parang bula we used to be together all the time. Against sya sa pag-alis ko patungong ibang bansa kaya naman hindi sya nakipag-communicate sakin, nagtiis kami both to finish the contract 2 years. Tas pagbalik ko inayos namin ang nasira naming relasyon. And finally a year after nagpakasal pa rin kami. It sweeter the second time around. Lessons Learn: Maging masaya kahit sa simpleng bagay. Gawing memorable lahat ng moments together. Maglaan ng Babe Time from time to time. Always makipag-communicate. Sabihin ang saloobin ng bawat isa. Maging malawak ang pang-unawa at intidihin ang bawat isa. Mahalin ang bawat isa ng walang pag-aalinlangan. Gawing center si God sa inyong pagsasama. πŸ˜€

Magbasa pa

Ika nga ng iba, Cheating is not a choice nor a mistake. But its a sin. Dapat kahit na ano pang pagkukulang ang meron sa atin o sa mga asawa natin, we need to accept and embrace it and ganun din dapat sila. Pinili natin sila at pinili nila tayo para makasama habang buhay. Hindi natin pwedeng irason na basta na lang nangyari ang lahat. I, too, napapaisip lalo na pag nag-aaway kami ng hubby ko. What if si ganito ang pinili ko nun? Magiging masaya kaya ako? Pero sa huli, asawa at anak ako parin ang nasa puso ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko. Kahit lagi nyang tinanong sakin nun kung bakit ko daw sya pinili kahit na di sya nakapagtapos at ako naman ay nakapagtapos. Ang sabi ko, gwapo ka kasi! (HaHa joke). Sabi ko sa kanya, minahal kita anuman ang status ng buhay nyo. Mabait, madiskarte at mahal nya kami ng anak ko kaya ko sya minamahal ng sobra sobra.

Magbasa pa

On a woman's side naman. πŸ™‹πŸ»β€β™€οΈ I cheated on my boyfriend. Not because I'm not satisfied with the sex. Nagcheat ako kasi sobrang wala syang respeto sakin, bastos ang bunganga, kung mura murahin at sigaw sigawan ako para akong katulong nya. Pag iniiwanan ko sya lagi syang habol ng habol, di nya daw kaya mawala ako. May nahuli pa ko sa chat nya nung buntis ako na sobra sobrang sama na ng loob ko, lumayo ung loob ko sakanya.. Sunod sunod na ung mga away. Nagparamdam bigla ex ko. Naging mahina ako. Kachat ko ex ko hanggang sa nahuli ako ng partner ko. Galit na galit sya gusto nya kong patayin. Ngayon inaayos na namin lahat.. Sana maging maayos na kami pati ung mga away. Sana lang hindi na sya mambabae ulit at ewan ko na lang talaga kung ano pang mangyari sa relasyon namin. πŸ˜“

Magbasa pa
4y ago

ganyan na ganyan rin yung bf ko bastos rin bunganga tas grabe ako mura murahin kaso ako tanga ako e mahal ko kasi

Para skin nmn po hnd nmn lht dhilan ung sex kung bakit nagloloko ang isang tao dhil dn po un sa kakulangan ng isang asawa just like in my own experience po kht anung gwn q po sa asawa q lht n yata ng pag titiis lht ng sacripisyo lahat ng pagmamhal bngy q n sa asawa q pero hnd q man lng makitaan ang asawa q ng kht kunting care, pagmamahal at attention kulng n kulng po kya po cguro ngwa q mag hanap ng iba pero kht gnun magkasama prin nmn po kmi sa iisang bahay bli naghanap lng dn cguro ako ng attention sa iba kya q ngwa ang pakikipag apid sa isa.. Sbhn n nting nandon nrin ung snsbi nilng sex pero sex is not my reason kung bakit ako pumatol at nag hnap ng iba

Magbasa pa

I was cheated by my partner, not once not twice. Mag 3 na baby namin, so everytime na may babae siya, hinahayaan ko na lang siya. Masakit sa part ko, kase hindi ko pwedeng sabihing hindi siya satisfied sa sex life namin, siguro talagang hindi lang siya makuntento. Kaya kahit masakit, yung feeling na sasabog ka na sa sobrang sakit, wala kong choice kundi palayain siya. Kase choice niya din yung lokohin ako nang pa ulit ulit. Im just waiting for the day na mawala na lang lahat nang sakit na nararamdaman ko. Masakit na hindi magiging buo yung family ng mga anak ko, pero mas masakit kung paulit ulit ulit niya lang gagawin sakin yun at ayokong makita nang mga anak ko yun.

Magbasa pa
TapFluencer

Ego ang masasabi kong bigger reason for cheating. If insecure ang lalaki, bigger chance. My dad was like that. Tbh, wala kasi siyang kwenta mashado as a provider and a dad. Alam lang niya makipaglaro samin nung bata kami... But he’s not someone you can depend on talaga... pati sa mainit na tubig na pinakulo na panligo namin, inuunahan pa kami.πŸ€·πŸ»β€β™€οΈ Maraming factors yan, not just sex. Most of the time, di din sa nagkulang ang asawa. Bottomline dyan, wala silang respeto sayo kung ginagawa nila yun paulit ulit. Wag kayo maniwalang importante kayo sa kanila if they do it again and again. I would say, people accept the love they think they deserve.

Magbasa pa