Ugali Problems

Anong ugali ng asawa nyo ang pinaka ayaw nyo? ?

366 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ang pinakaayaw ko eh yung masyadong close sa barkada.yung tipong konting yaya lang sasama agad.lagi namin pinagtatalunan.haay sana magbago na sya.

VIP Member

Answered prayer ang husband ko, ang ayaw ko lang talaga pag may hinahanap syang gamit hindi niya makita, pero pag ako ang naghanap kitang kita ko naman πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Napakakulit sobra. Minsan kahit mali na ipagpipilitan pa din. Pero nakikinig din naman sya. Pero he is a truly gentleman and lovable person.

Pagkagaling byahe ng jeep si cellphone o kaya diretso tulog na, imbes na lambingin ka man lang saglit dahil nasa bahay ka lang magdamag!

5y ago

Same tayo sis. pero inoopen ko un sa mister ko para aware sya kung bat ako naiinis sa kanya. tapos iiyak nalang ako haha

Grrrr palasagot, tatamad-tama and laging malakas mang-asar. Pagod ka na nga sa gawaing bahay hindi ka pa matulungan mag-alaga ng baby 😣

kpag nag utos dapat gawa agad ..hindi mkpag hintay kakairita.. qng pwede labg ibalik ang asawa sa magulang nya matagal ko nang ginawa hahh

VIP Member

Dakdakero πŸ˜‚ dinaig pako . Sabagay matanda kasi sya sakin kaya ok lang puro payo nmn sinasabi nya haha . Btw hind ako dakdakera haha.

Pag galit sya di ko dapat sya sasabayan pero pag ako ung galit mang aasar pa lalo pero maya maya lalambingin nako nyan 😊

Ang tamad mag-charge laging lobatt ang phone, palaging hindi macontact. Yung tipong lahat ng tao mapagtatanungan mo kung nasaan sya.

malakas ang boses prang nakalunok mega phone🀣 bukod don wala na he's too perfect for me.. sya lng mkkapag handle ng arte ko😁