Anong palayaw ng anak mo at bakit yoon? haha
SHARE ko lang po mga Mommies! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko and honestly hindi ko type ang pinalayaw sakin. Kaya nung nabuntis ako, sinabi ko na hindi ko bibigyan ng awkward na palayaw yung baby ko. So eto na... Baby girl ang naging panganay ko. Pinangalan nmin siyang Sophia, kasi gusto kong maging "Sofie" palayaw niya๐ Para sakin ang cute niyang pakinggan. Nang umuwi kami ng probinsiya sa side ng asawa ko, Nako! Mula sa nanay ng asawa ko at mga tyahin niya, "Soping" ang pinalayaw sa kanya๐๐๐ Parang katunog siya ng Lucring at Milagring.... pakiramdam ko tuloy naging lola agad ang anak ko๐๐๐ ang kagandahan lang po, nabusog talaga sa pagmamahal si Sofie, first apo po kasi, but we make sure na di nmn spoiled. Napakasweet na bata๐๐๐ 7years old na po siya ngayon.
Magbasa pa