Time of the day

Anong paborito niyong oras? Umaga, tanghali, hapon, gabi, madaling araw? Ako paborito ko madaling araw kasi tahimik ang bahay habang tulog pa lahat

114 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

gabi 😊 pag araw nakakastress kasi ang dami namin dito sa bahay kami pa nagbabayad ng upa then pag wala sila pambili bigas sagot tapos walang tumutulong sayo sa mga gawaing bahay the hell tinitingnan kalang habang naglilinis at nasasaktan ako dun. wait lang sila konte nalang pasensya ko 😭

I'm not a morning person, pero simula nung nasanay na ako gumising ng 530 ng umaga para mag prep ng baon ng daughter ko, gusto ko na ng Ganong oras hanggang 9am, kasi magagawa ko mga House chores, kasi pag nagising na yung isa ko pang daughter wala na. Wala na akong magagawa. :)

Gabi bedtime. Tahimik, relax lang, chill, tapos katabi si Hubby nag gegames tapos ako daldal ng daldal, parang late night talks after a long tiring day tapos random thoughts 😊 hanggang sa makatulog na lang ako 😂

Ako sa gabi pag matutulog na kami kinikiss ko sya ng kinikiss sa pisngi sa balikat tpos pinipisil ko sya, tuwing off lang sya nakakauwi naaawa kase ako sa kanya kulang sa tulog pag araw araw uuwi samin.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-64001)

gusto ko araw kase dun lang baby ko tulog ng tulog..saka pag araw lang din ako nakakatulog..kase pag gabi gang madaling araw..wala akong tulog..gising si baby..😂😂😂

VIP Member

Gabi po pagtulog na po ang anak ko. May time na para magbasa ng libro at positivity, 😊 "me time" pero minsan bigla na din makakatulog na lang sa pagod sa maghapon, 😂

Anytime.. sanay na ko sa routine namin ni baby haha dati nung wala pa ko baby gusto ko gabi at madaling araw para magsenti bago ko matulog nung nagwowork pa ko

Gabi kasi pag uwe ni hubby kakain na kami ng dinner then mag play na sila ng mga kiddos pag tapos rest time na 😍🤩

Gabi. Kasi nilalambing na ko nyan ni hubby tas kinakausap nya si baby bago kami matulog. Sa tahimik na ang paligid 😂