Hanger? Sinturon?

Ano'ng naranasan mong mga punishment nu'ng bata ka?

Hanger? Sinturon?
80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Madami pero di ko tine-take as negative un ngaun malaki na ko naaalala ko pero nung bata ako lagi ko iniisip na di nila ko mahal pero ngaun malaki na ko ska ko nagkarealizations na kaya nila ginagawa un is dahil mahal nila ako at may nagawa ako mali na dapat hindi ko gawin. One time bago lipat kami ng bahay, we're new sa lugar na un at dahil explorera ko bata I even go out without knowing pabalik sa bahay. Taranta ang parents ko that time e di pa ko kilala sa lugar na un nagkkumahog ako hanapin nila nung nhanap ako, jusko ginawa ko mala miley cyrus pero hindi sa wrecking ball kundi sa sako pinasok ako dun sa loob ng sako at pinagpapalo ng mama ko. Pano nga naman kung mawala ako ganyan. Meron pa pag ung papa ko nman sagad na ung inis samin magkapatid kuha yan ng walis special thanks to baguio walis ha, dahil sayo latay latay binti nmin πŸ˜‚πŸ˜† Laki ng role mo sa pagkabata nmin hahahah.

Magbasa pa

Marami talaga πŸ€£πŸ™ˆ Mahilig kasi tayo ng adventure dati, expirements, at kung anu-anong nacu-curious natin na mga bagay bagay. Mas marami palo na nakuha ko kay Papa, sinturon talaga 🀣🀣🀣. walis naman kay mama or kahit anong bagay na madali nyang makuha hahahaha at kay lola naman walis tingting, kahit manipis pero sobrang sakit sa skin Hahaha. Si lolo naman yung batuta nya 🀣🀣🀣 Pilyo kasi si lolo, kaya madali mairita sa aming magkakapatid hahaa. Nakakamiss ang maging bata.

Magbasa pa
TapFluencer

nung pina tambay kami sa puno ng mangga dahil naghabulan kaming magpipinsan tapos naputol namin yung sanga πŸ˜‚ Lahat kami nasa puno lang. hanggang gabi kasama na namin mga manok nakatambay sa puno. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ meron pa yung pinaubos samin yung isang baldeng mangga grabe yung tatay(lolo)namim haha pero Ngayon pag naiisip ko yun ang thankful ko Kasi naranasan ko ang mga ganun. yung pag nagkita kita kaming magpipinsan magkukwentuhan kami ng nakaraan tapos sabay tawanan. πŸ˜‚πŸ˜β€οΈ

Magbasa pa

madami, minsan yung pamalo ni mamako may pako, pero hindi niya siguro alam yon. at muntik pakong mamatay dahil sa hinampas hampas ako sa may grills ..πŸ˜₯ sobrang sakit non, hanggang ngayon diko parin makalimutan..pero ang nag utos non yung tita kong demonyita! masaya siya kapag pinapalo kami o pinapagalitan kaming magkakapatid. ginawa kaming alipin 10years. pero sa ngayon, pareho na silang namahinga ni mama ko..

Magbasa pa

nung bata pa ako kawayan at tubo ung hinahampas samin ni tatay ,grabi ung sakit mapapa sumpa ka talaga, si mama naman sakit mangurot sa singit baon pati kuku halos inaangat ko nalang ung leegs ko para d masyadong masakit, piro ok lang sakin un naiintindihN ko para sakin din naman unπŸ˜ŠπŸ™‚

madami, hanger, sinturon, feather dust, luhod sa munggo, worst yung kabataan ko pagdating sa punishment, heartless mama ko noon, tinatali paa namin, hinuhubaran kami tapos itatali, yung sa papa ko naman jusko sinakal ako hanggang umangat ako sa lupa . Grabe parents namin noon πŸ˜‚πŸ˜‚

Wala Jan sa nabangit kc palapa Ng saging at balitang s duyan pamalo nila. kadalasan mukha q pinipisil Ng nanay q. bumabaon sa mukha q koku nya. kaya pag papasuk AQ sa school lagi cla natanung bakit may sugar n nmn mukha q.. grabi lupit mama q at ama q ng panahun..

VIP Member

napalo sa pwet kasi hindi kami nagpaalam kay mama at papa. hinanap nila kami sa iba't ibang panig ng brgy namin kaso di talaga nila kami mahanap eh nasa kapitbahay lang naman kami, nakikipanuod sa tv. kaya ayun, napalo kami ng kapatid ko.

VIP Member

halos lahat po. hahahaha πŸ™ˆπŸ˜‚ luhod sa asin ang worst. sakiiiit, bukod pa dun yung naputol na walis tambo sa pw*t mo na kahit ilang oras na, ramdam po pa rin yung latay sayo. OMG I can't πŸ™ˆπŸ˜‚

VIP Member

Luhod sa asin and munggo hinding hindi ko to makakalimutanπŸ˜‚ bago to the rescue si papa pag nakita ako😁πŸ₯° never kami napalo ni papa pero takot kami sa knya❀️