418 Replies

pinakamahal yung hinulugan kong motor for 3 yrs . pangalawa yung bag, pinagbigyan ko ang sarili ko makabili ng kaledad na bag na tig 1k plus , dahil naalala ko noong bata ako ni hindi ako mabilhan ng mama ko ng gusto kong bag ,kasi ang pinapagamit niya sa amin ung dala niya galing abroad na gamit ng mga amo o alaga niya. I first had the chance to buy my own bag when i was 4th yr in high school, pinagipunan ko ang 350 na bagpack kasi uso un sa high school. Tapos pangalawang bili ko naman nung 3rd yr college na ,ginamit ko ung scholarship money na natanggap ko pambili nung nauusong Jansport, kahit di original. Share ko lang hehehe

perfume.. sobrang alangan ako sa perfume kasi namali ako ng tingin sa presyo kala ko 3 digits lang 4 digits pala. 🥲 pero mabango at gustung gusto ko amoy kaya sobrang support si hubby na ituloy sa check out counter kahit naiiyak ako sa presyo. huhu well that was before having our baby. haha but it's a super noooo na gumastos ngayon ng ganun

Mac make up set 😊. Clothes, underwear, heels, Pero hindi po ako fashionista haha. Singer po kasi ako Kaya kaylangan natin ng quality products Para sa sarili din natin kahit papano.. Hindi nman lahat.. Pero some.. Collection ko Lang underwear and perfume. Kaya medyo mabigat.. Pero pag wala tayong budget hehe OK Lang Murayta 😁

VIP Member

White gold necklace. Pinatubos lang sakin ng kapatid ng jowa ko sa sanglaan tas akin na... Pero dahil may magnanakaw kaming kasama sa bahay, need ko ulit sya ibalik sa sanglaan para ipang imbuno sa ninakaw na pera pambayad ng bahay... Ayun. Rematado na 😔 matuturing ko pa namang first investment yun. Wala na

VIP Member

Airplane ticket pabalik ng pinas. Pinagtrabahuhan ko yon kasi ayaw ako pabalikin ng parents ko sa pinas. Pinagsisisihan ko kasi akala ko THIS IS WHERE MY HEART BELONGS, THIS IS MY HOME. Nagkamali ako. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na bibigyan ulit nila ko ng chance para umuwi sa Italy.

VIP Member

An iPhone. That was the last thing I bought for myself since nanghihinayang din ako lalo na ngayon malapit na lumabas si baby and kailangan kona mag-tipid at kawawa si hubby dahil pansamantala akong walang work.😅

'Yung house namin ngayon. Inumpisahan ko hulugan nung dalaga pa ako pero nung naging kami na nung hubby ko siya na nagtuloy haha. I had no idea na titirhan pala namin yan ng mapapangasawa ko in the future & now we're having our 1st baby. ♥️

for my own money,I spent all for my little business/Stocks to sell online and mostly I spent needs for us to my family😍🙏.At ngaun ,mas magtitipid na at less bili bili pra sa paghhnda Ng ibbyad SA pangangak next 2022😍🙏.

With my own money, phone. Pero since I got pregnant with our 1st baby, si SO na ang bumibili. The most expensive would be my iPad. Among the most recent ones, my terrarium 🌿❤️

TapFluencer

Sa ngayon wala. Mas gusto ko kasi bumili ng mga gamit ni baby, kahit may gusto akong bilin ang ending kay baby parin bibilin ko. Mas masaya ako kapag nabibili ko mga kaylangan nya bago sya lumabas 😍🥰❤

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles