Stretch marks

Anong month lumalabas ang stretch marks napansin ko kasi mag 6 mos na ako pero wala akong makita pati si hubby na marks sa tyan ko.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako noon mie. kala ko wala pero naglalagay pa rin ako ng oil kahit wala ako mark. pero nung 9month ko dun lumabas. no effect kahit ano pa ipinahid ko at d ko rin naman kinamot. pag makate himas himas lang. pero ayun nagka stretch mark pa rin. may kilala rin naman ako na hindi tlga nagkamark. iba iba tlga depende kase sa skin type talaga yan.

Magbasa pa

naka depindi po yan sa katawan mo me .. meron kasing buntis na kahit nanganak sya wala syang stretch mark meron din nman meron .. sakin wala ako stretch mark hindi din ako nangati masyado apply kalang lotion or oil basta ugaliin mo lang na hindi dry yung skin mo or tyan mo para di mag ma mark pag kinamot mo

Magbasa pa
VIP Member

sken nung 7months na tyan ko dun may nkikita akong stretch mark,,akala ko wala dn ako nun gang sa nag 8months na tyan ko nkita ko sa salamin sa may bandang baba ng tyan ko ang dami na nya huhuhu.,mejo nastress ako ng konti hahah....sana all nlang sa mga mommy na walang stretch mark

1mo ago

ako sis sakin wala 7months na tiyan ko turning 8months next month.. Wala pa rin hehehe

aq me wla stretchmark nong buntis, after ligo nilalagyan ko lotion tyan ko then 1 time lng aq nakaramdam sobrang kati tyan ko, lotion lng dn nilalagay ko kc nag e stretch ung skin natin. pagkapanganak ko after ilang months nawala dn stretchmarks ko

ako currently 7 months and wala pa naman stretch marks. pero di ako nagpapakampante, naglalagay pa rin ako ng oil sa tyan ko. kung magkaron man ng stretch marks sana minimal lang 🥹

2 pregnancies ako, pero wala akong stretch marks. depende sa skin type, genes, hormones, etc. ok ang elasticity ng skin natin during stretching of skin.

9mons na tummy ko pero wala din akong stretch marks pero inaapplyan ko lang ng lotion. sabi sakin may tendency lalabas mga stretch marks after manganak.

ako mi sa buong pregnancy ko wala akong stretch marks, pero nung pagkalabas ni baby ayun meron na. pero konti lang tsaka sa may bandang puson lang

kung wala namn po sa lahi nyo hndi po kayo magkakaroon ng ganun😊 ako pang second preggy ko na ngayun 8 months na tummy ko wala po ako stretch mark

thank God wala tlg aq stretch mark s tyan ko, pero nung 2 months n c baby ska aq ngkaron s ilalim ng boobs, sobra dmi q dn kc mgproduce ng milk