May luho ka ba?

Ano'ng luho mo in life?

May luho ka ba?
202 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

dati wala pa akong asawa, wala talaga akong luho. luho ko pamilya ko, piro nung magka baby na at asawa, ang luho ko sa anak ko, bahala na wala kaming luho ng partner ko ang impirtante anak namin my bagong mga luho, masaya na kaming dalwa makita ng anak namin na myron sya kung anong myron sa ibang bata,, yan ang luho naming mag.asawa po...🥰🥰🥰

Magbasa pa
VIP Member

Dati maluho ako, bags and shoes and clothes 😅 but eversince I got pregnant all of a sudden prang wla nakong gana mamili pra sa self ko, minsan dinadala ko ng partner ko sa mall, mamili ng damit pang preggy d ako bumibili mag uukay nlng ako, or mamili ng pra ky baby and for him. ☺️😅

Wala akong luho nuong dalaga ako..ngayon Naman na my anak na ako..anak ko nalang Ang gustong Kong bilhan nang mga gamit imbes na Sarili ko..😂😂 pero ganun talaga pag Nanay kana unahin mo muna anak mo bago Sarili mo..

VIP Member

Nung single pa. Food and travel ang pinagkakagastusan. No branded bags or clothes . Now that I am married and manganganak na. Todo tipid na dahil wala ng work, lahat ng gamit na binibili for my baby nalang 😅😅

Nung dalaga ako materialistic ako sobra. Bag, sapatos, damit, gimik dito gimik doon,. Ngayon mommy na food na lang. Ayoko na ng luho. Walang kwenta. Di mo naman makakain pag tag gutom na 😂

VIP Member

Hindi naman sya luho but I'm fond of books, food and nong hindi pa ako nag conceive ng lil miracle namin. Hubby and I are always dating😂 laging kumakain and palagi kaming magkasama.

dati nung dalaga ako bags ang luho ko. pinaka mahal na bag na nabili ko 1900 🤣 topshop, matthews, cln bags, playboy bunny tsaka mango. Maarte ako sa bags ayaw ko yung low quality na bags ewan ko ba haha

Noong di pa buntis, order ng sandals and bags. Now na may anak na, kahit luma na lahat ng gamit ko basta maibigay ko lahat sa baby ko.😆 salamat Shoppee po hehe.

Nung wala pa c baby, i love collecting kdrama merch especially yung gusto ko n kdrama (stuff toys, hoodies, etc). Then ngaun my anak n ako, more on baby stuffs na bnbili ko (seldom na yung para sken). 😁

nung dalaga ako pang scrapbook tsaka mga ballpen na magaganda ❤❤ ngaun may family na grocery lang tsaka gamit ng mga anak super happy na haha