37 Replies
Yung pagsusuka ko inabot ako ng 4months..kaya laki ng binaba ng timbang ko. Halos lahat ng kinakain ko sinusuka ko lang.. skyflakes lang anv naging kadamay ko that time. And mint candy sometimes after ko kumaen pra mawlaa ung lasa niya sa dila ko. And mag toothbrush din mommy para maalis yung lasa nung food na kinaen mo.. sakin kase hangat nalalasahan ko siya sa dila ko mas na ti trigger ako masuka..
moms ako 1-3months araw araw ngsusuka.. ang hirap.. pgkatapos kumain, suka agad buti nlng napapakiusapan ko si baby n wag sana akong magsuka sa selling kc sa dept store ako ngtatrbaho dati. Nakakaintindi yata sya, sabi ko sa cr at bording lng pwd magsuka, hinihimas ko tummy ko, sumusumod nmn sya.
Same tayo mommy. 10weeks dn ako ngayon. Grabe pagsusuka ko. Pero ung puro laway lang. Konting konti lg kinakain ko ung tipong 3 to 4 kutsara lg ng rice at konting ulam. Naiiyak ako minsan kasi parang grabe ung paghihirap ko sa paglilihi. Super talaga. Anlaki na dn ng pinayat ko😣😭
ako since 5 weeks dun nagstart yung morning sickness ko as in wala ng Kain na maayos lahat ng ulam ayaw ko Kaya namayat ako. 10 weeks na ko ngayon medyo naglessen na yung ganung pakiramdam nakakakain na ko at nabubusog na. Yung hilo nalang na pakiramdam kapag nasa labas ako.
Aq po pag nasusuka aq isinusuka q nlng minsan candy po para di masuka or fruits po after kumain..13 weeks po aq preggy...medyo nwala morning sikness q pero naging mlakas nman po pang amoy q..kya minsan ung mga naaamoy q ung nagigi g cause qng bakit aq nasusuka...
ako din ng susuka nun .. halos kada kain suka kaya ntatakot nko kumain nun pero nakain p din ako kunti lng kasi pg ndi ka kumain acid n ung issuka mo,mahirap un pero ngaun 13 weeks na ung tyan ko ndi nko nassuka... .. tiis lng mommy
Pagpasok niyo po ng 2nd trimester mababawasan nadin pakonti konti yung mga morning sickness ninyo. :) for now, drink lots of water lang parati and eat crackers like saltine or skyflakes. :) yun madalas ko kainin pangontra sa pagsusuka.
Ako sis hanggang 5 months. Grabe hirap ko nun.kahit ano gawin ko kahit inumin ko niresetang gamot ng OB ko di nawala. Buti na lang pagtungtong ng 5 months nagstop na akala ko hanggang manganak na ko e. Laki tuloy pinayat ko
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-109511)
Pagkagising sa umaga kumakain lang po ako ng sky flakes. Then kapag sa work po para di masyado yung pagsusuka, mani naman or bubble gum para maging busy lang yung bibig. Ganun po ginagawa ko 😁
Kath'joemil Gutierrez Rasco