Paadvice po, gusto ko na maalis yong stress ko

Ano po kaya pwede gawin? Kasi yong pinsan ko sobra po ang stress na dulot saken. Dito sya nagstay samin dahil inabutan siya ng lockdown dito. Pero isang sakay lang naman yong dorm niya dito samin. Ayaw niya ng pinagsasabihan siya, ayaw niya nga pinakekelman siya. Gustong gusto ko na siya sabihan ng masasakit na salita dahil sobrang konsumisyon na niya kaso iniisip ng nanay ko yong nanay niya na nagta trabaho sa manila. Kahit nanay niya walang magawa sa kaniya, una dito siya nakatira samin tapos lumipat siya sa isa naming tita kasi ayaw niya na pinakekelman siya lalo kapag sa barkada tapos hindi siya nakatagal umalis siya nagdorm siya ngayon naman di rin naman siya makatagal sa dorm niya kaso kaaway niya yong kasama niya sa room ngayon dito na ukit siya samin. Tapos kung anu ano pa sinasabi niya sa pinsan ko sa side ng tatay ko. Bale pinsan ko siya sa side ng nanay ko. Wala naman problema na andito siya kaso sobrang pasaway tas kapag sinuway at pinagsabihan siya pa galit at nasama ang loob. Ayaw naman niya umalis dito. Pero panay kwento sa iba na nahihirapan siya dto samin e wala naman siya ginagawa kain tulog tas magwawalis ng kaunting oras wala na, maghapon na ulit nakahiga. Gigising siya may luto na tas minsan ayaw pa niya ng ulam namin hindi siya kakain. Kapag sinabihan siya pa galit. Tapos kapag pinagsasabihan siya sa kilos niya na di maganda at nakikita ng bata dito samin nagagalit sya e sino po ba matutuwa na makikita siya na nagvivideo na nakahubad e may bata dito samin na pwede siyang gayanin. Bale bakla po sya, di naman po ako galit sa bakla pero sa inaasta niya grabe na po e. Hindi na kinakaya ng nanay ko hindi na rin namin kinakaya. Siya pa mataas di siya nakibo samin.

2 Replies

wag nyo sya pansinin. wag nyo sya ipaghanda ng food. iturong nyo sya na parang hangin. sa total di naman sya marunong makiramdam, wag din kayo magparamdam sa kanya.

Ginawa na namin tapos todo sabi siya sa iba na di siya nakakakain dto , keso lahat ng kilos niya pinapansin. Nakuha siya ng simpatya ng ibang tao.

VIP Member

Grabe naman pinsan momsh 😅 kausapin niyo nalang siya sis na kung ayaw niyang napapagsabihan umalis nalang siya sa inyo .

Nakausap na soya before sis ganyan sinabi ko umalis siya kung di niya kaya makinig pero nagstay pa din dto samin. Tapos ganon ulit sya iinom uuwi ng 12-1am tapos kapag chinat mga kasama niya galit sya kasi nakakahiya daw.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles