Ear infection?
Ano po kaya ito? Nagkaganito rin po ba babies niyo?

baka po infection, or baka po my nailagay si baby sa tenga nya ng hindi mo alam mommy.. share ko lang mga mommy yung baby ko po nung mga nasa 2 years old pa lang sya natanggal nya hikaw nya at naisuksok sa ilong buti napansin ko pangalawa hikaw ulet sa ilong ulet nagtaka ako bakit singa sya ng singa nung Gabi na yon nung sinilip ko ilong nya Wala akong nakita pero nung pinasinga ko sya ng malakas naku po mga mommy lumabas yung hikaw na nasuksuk nya sa ilong nya kaya dapat po talaga maging mabusisi tayo sa mga baby's natin Lalo na sa mga di normal na kilos nila, tapos etong nakaraan buwan bala Naman ng toy gun ang nailagay sa tenga dun talaga ko kinabahan at naiiyak na ko dahil hindi ko malaman paano tatanggalin dahil kada sungkit ko lumoloob sya pero thanks to God talaga at naalis ko pa rin, kaya todo bantay at inuusisa ko talaga yung baby ko pag my napansin akong iba
Magbasa pa
