Ano po kaya dahilan ng pagsakit (sharp pain) sa lower right side ng stomach ko? Masakit po sya pero bearable naman at nawawala din naman po depende sa position ng higa or upo ko, pero diko po kasi maiwasan mag alala first time mom po kasi ako at wala akong alam sa mga normal at hindi normal na pain during pregnancy. Anyways, im 19 weeks pregnant po at currently na di makapagpacheck up dahil sa lockdown. Binabase ko lang po sa nababasa ko sa internet, kelangan ko po talaga ng advice. Salamat po sa sasagot.