45 Replies
Better get checked by OB. Hindi kami pwede magbigay ng medication sayo mamsh kasi unang una, ung gamot jan is antibiotic na need ng prescription. Di ka din pwede mag self medicate ng antibiotic na available sa bahay niyo kasi baka matulad ka sakin na magkaroon ng antibiotic resistance na sobrang hirap gamutin pag lumaon dahil halos lahat ng antibiotic eh hindi na nagwowork sakin. Pwede ka uminom ng buko juice and cranberry juice for the mean time para makatulong.
Pag mataas ang bacteria need po antibiotic. Like me ang taas ng bacteria ko kaya nag prescribed OB ko ng antibiotic. 1 week medication tapos repeat urinalysis. Ang laki ng binaba ng bacteria pero meron pa din pero adviced ng OB more on fluids nalang tapos repeat urinalysis after 2 weeks. Sis, need mo ma check ng OB talaga nyan. Hindi basta basta sitwasyon natin mga buntis dahil buhay dinadala natin sa sinapupunan. Ask for support from your family. Kaya mo yan.
D k din makakabili sa mga pharmacy.. Hhaanapan ka p rin reseta Lalo n at antibiotic Hindi na siya over the counter.. naku girl kayanin mo Po nanay kna, Hindi na dahilan Ang edad at studyante ka .. dahil nakagawa kna baby. . Adult k Ng maituturing base sa batas. Try mo Po sa center niyo magpatingin.. ska sa magulang Ng ama Ng anak mo hingi k Ng support.. ibaranggay mo pag d k binigyan..
Kapag mataas uti di magagamot ng water lang, ako twice na ako nag take ng antibiotec pero galing naman sa ob ko yun so safe yun. Nag water theraphy din ako pero mataas pa din kaya gamot ang kelangan. Kapag d naagapan ang uti mo pd ka magpreterm labor or mahawaan baby mo sa tiyan mo.
D ka rin makakabili ng antibiotic kasi dapat may reseta d na siya pwedeng over the counter. If confirmed thru urinalysis na may uti ka nga try to seek consult sa ob na libre para makabigay siya ng prescription. For the meantime increased oral fluid intake ka muna sis.
Hindi ka pa din naman pagbibilhan ng walang reseta. Gawan mo po paraan dahil magiging nanay ka na may center naman sa inyo. Pag mataas kase ang infection di pwedeng water therapy lang. Mas magandang magtake talaga ng meds para di na lumala at mahawa si baby.
hala momsh... wag ka iinom ng gamot agad na sinabi lang sayo kasi baka may allergy ka pala sa gamit na yun... it is better to consult a doctor/OB... paCheckUo narin kayo ni baby, libre lang sa mga brgy health centers ang prenatal CheckUp..
antibiotics ang binibigay pg may UTI pero hndi ka makakabili pg hndi ka niresetahan ng doctor. mgwater ka lagi, more water at buko juice. pero better if mkapgpacheck up ka. sa ngaun, water ka muna at buko juice
sa ngayon magbuko juice ka muna at more water .. antibiotic kasi ang gamot sa UTI hindi ka bibentahan nun kapag walang reseta at depende sa level of infection ang dosage at klase ng gamot na ibibigay sayo ..
saken po lagi nirereseta moxtar Medyo mahal 50pesos each sya 2x aday for 1 week. need ng reseta bago ka makabili. ginagawa ko 3days ko lng iniinom tapos nag bubuko juice nalang ako yung pure araw araw..