Paano makakaiwas sa stress?

Ano po bang kelangan kong gawin para hindi mastress? Gabi gabi po ako umiiyak. Sobrang dami ko na pong pimples😢 wala po akong makausap o mapagsabihan ng mga nararamdaman ko. Ang bigat bigat po ng pakiramdam ko😭 di na rin po ako nireregla, 2 buwan na po, dahil po ba to sa stress? Meron din po akong pcos. Nastress po ako sa mga nambubully sakin na mga kapitbahay namin na hindi ko daw po mabigyan ng anak yung asawa ko, 8years na po kaming nagsasama. Gabi gabi po, kinukwestyun ko ang sarili ko😭 tapos yung mga naririnig ko pa, may nagsasabi pa sakin na "bakla ka ba? " "may matres ka ba talaga". Kung alam nyo lang kung gano kahirap to😭 gabi gabi habang umiiyak ako, nagdadasal ako na " sana ito na" "bigay nyo na po samin" "kaya naman po namin e"😭. Any suggestion po na makakatulong na makaiwas sa stress? Siguro din po kaya di ako naprepregy dahil sa stress?? Nawawalan na po ako ng pag asa😭 parang gusto ko na lang sumuko sa lahat😭

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din kalagayan ko dati. yung mga kapit bahay namin pinaparinig pa sakin na baog ako, sobrang nkaka stres mga tsismosa wala silang mgawa kundi mag salita ng masasakit sa kapwa nila. hayaan mo babalik din sa kanila lahat ng mga msasamang ginwa sayo. ngayon pregy nako napahiya sila sa mga sinabi nila mag pa checkup ka sa OB malay mu naman tsaka bakasyon kayo ng mister mu sa province kahit 2weeks pag tapos mu uminom ng mga meds. makakatulong ang pag papahinga ksma ang partner mu mahirap naman sbhin sayo na hayaan mo sila. kc narnasan ko din yan lagi ako naka headset dati kc wala din ako makasap kc kahit pamilya ko walang pake sakin. kinakampihan pa nila ang mga kapitbahay nayun. may balik na karma naman yan sa mga taong yun. pray ka din pati.

Magbasa pa

wag kang mapressured sis..mas lalo ka maistress nyan.iwasan mo na lang yong mga nangbubully sayo.kaya ka po hindi nireregla dahil stressed ka nga.ganyan kc ako.saka hindi lahat ng may pvos hindi nagkakaanak.ako po nong dalaga ako may pcos din.4x a year lang ako nireregla.it means every 3 months lang.nagpaalaga ako sa ob.may gamot na ibinigay sakin then nilinis po matres ko hanggang sa naging monthly na.then ayon po nabuntis ako at the age of 31.saka pag will po ni God na bigyan kayo ng baby magkakaroon po.kung hindi man po may purpose si God.keep praying and have faith to God.try mo rin makinig ng mga worship song or classical music.pangparelax yon.God bless u..malalampasan mo rin yan

Magbasa pa
VIP Member

may kakilala ako mii lampas 12 years na sila mula jowa nagpakasal tpos di magkaanak medyo pressure na din kasi naedad na pero nung di na nila inistress sarili nila at pinaubaya na lang kay Lord ang lahat, nagfocus na lang sa sarili healthy living tapos kung kelan di na nila ineexpect ayun tsaka nagkababy, wag mawalan ng pag asa mii wag din pakastress sa mga mosang na yan di worth it ng time mo intindihin pa sila, sa life di ka po tuluyang magiging masaya kung lagi mo iintindihin ang sasabahin ng iba ☺️

Magbasa pa
8mo ago

if pwede layuan mo mga tao nayan, much better sana lumipat nalang kayo ng bahay or for rent para makapag start new life. Away from negativities

Para sa akin, ang dapat nyo pong gawin ay "Eliminate the negative, Accentuate the positive". So yung mga negative thoughts at negative na tao sa buhay nyo, hindi nyo dapat pinaga-aksayahan ng energy. Yung mga ganung klaseng tao, they obviously don't have your best interest in their mind, kaya don't mind them. Huwag nyo po sila pansinin, hindi importante ang sinasabi nila. As long as maganda naman pakitungo sa inyo ng asawa nyo at mga taong mahal nyo, iyon po ang mahalaga at doon kayo magfocus.

Magbasa pa
8mo ago

Hindi mawawala ang mga ganyang klaseng tao, hindi mo sila mako-control. Ang tanging kaya mong kontrolin ay ang sarili mo at magiging reaction mo sa kanila. Don't stoop down to their level, they are not worth your time and energy, they don't have the power to control your life unless you let them to ☺️ Alam mo naman yung mga ganyang tao, kapag nakikita nilang apektado ka, lalo silang gaganahan at mai-encourage na ipagpatuloy ang gawa nila. Pero kapag hindi mo pinansin, eventually ay magsasawa rin yan. Learn to master the Art of Dedma, you'll be much more at peace 😄 *Hugs!!! Ipagdasal mo na lng sila... (na sana kunin na sila ni Lord... JOKE! 😄✌️

kahit saan mi may mga ganyang tao,kaw na lang mag adjust sa kanila..umiwas ka sa mga tao/bagay na toxic..limit mo na yung engagement mo sa kanila, don't mind them.Give them the best reaction they deserve.Ibigay mo yung oras mo sa mga taong mahal ka at naiintindihan ka.Stay positive.In God's perfect time,ibibigay yang wish mo,wag mong ipipressure sarili mo para di ka lalo mastress.Magtiwala ka lang🙏

Magbasa pa

same po pala tayu sis kmi po nang asawa ko 8years na din po kmi nag sasama hanggang ngayun hnd po kmi nag ka anak

8mo ago

may pcos din po kayo?