Anxiety getting worst
Ano po bang dapat kong gawin? Simula po nagwork asawa ko hindi na nag off, tapos nlockdown sa work. Tapos hindi palage makachat kase bawal daw cp tapos ngayon kahit out na nila naghigpit na raw at bawal tambay sa labas ng tinutulugan nila. Ung isip ko po napupunta sa worst overthinking na baka ayaw nalang ako kausap. Samantalang dati po na magbf gf palang kame 1 week or days lang po hindi kame mgkita inip na inip po siya. Lalo ngayon po sana na buntis ako na dapat mas magalala siya samen ng mga bata. Isang chat lang tapos halos di na mabasa yung reply ko kase itago na raw cp niya. Bakit kung totoo yun, pwede naman ho irason na dahil hindi siya nkakauwi kaya kailangan nia ng contact samen. Nakakapagod na kase na para bang asungot nalang ako sa kanya. Galing po siya sa LDR na relationship bago ako at nakikita ko pa rin po sa FB ang old accounts nila. Andun nbabasa ko kung gaano siya mangulila sa ex nia dati na ngwowork sa Japan pero bakit po saken hindi siya ganun. Kahit po kame na nga, kinontak nia pa po yun eh kaya muntik na kame mghiwalay pro ngiiyak siya saken kaya pinatawad ko gang sa iksal na kame at ngyon mgkakababy na. Bakit po kaya ganito at kada knkausap ko po siya or pag ngglit ako na d siya nkkpagchat smen or saken ngagalit pa po. Kaya pakiramdam ko po talaga parang ayaw na niya. Kung hindi ako buntis mas kaya ko pero dahil buntis po ako palage po ako naiyak. π’ alam kong bawal or hindi dapat pero hindi po maiwasan sa tuwing nkkramdam ako na baka ayw na nia at mpunta kame sa hiwalayan.
Mom of 3