Normal vs CS delivery

Ano po ba pros and cons ng normal vs cs? Bakit mas gusto nila na ipilit na inormal ang delivery maliban sa faster recovery and mas mura ang normal? Currently kasi 37 wks preggy na ako. Last ultrasound nalaman namin na may isang coil si baby at ako ay merong gestational hypertension. Ngayon confident naman si doc magpaanak saakin ng normal despite these things pero sabi nya if may isa saamin maging unstable ics nya ako. Ngayon naman napaisip ako kasi what if okay sa start naglabor ako ng 12hrs then kapagkaorasan na lumabas si baby need pala ako ics kasi tumaas bp ko or something. Nakakapanghinayang yung hirap ng labor pain. Baka much better na magpaCS nalang ako? Hindi ba logical yung thinking ko?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal delivery ako so I can't really compared but based on my observation sa mga kilala ko who have experienced both, sa normal sasabihin nila na "mahirap, masakit". Pero kapag CS "parang ayaw/ hindi ko na kayang na ulitin pa". Remember na major surgery po ang CS, with its own risks. Personally, normal delivery for me is just like a *really* bad case of LBM, pero once nailabas mo na, ok na. 😉

Magbasa pa