poop
Ano po ba dapat gawin? Nahihirapan po kase mag poop si baby 3 days palagi bago sya tumae tas may ka unti na dugo, bonna po ung milk nya. Mag 3 months n po sya sa april 20.
change milk hindi hiyang sa milk nya.... constipated yong baby pag may stain ng blood poops nya..... kawawa si baby. hindi p naman sya pwede ng water... kaya nakadepend sya sa formula... pero need parin mag paconsult sa pedia nya para macheck din if sa milk nga para ma assured n wala namang problem si baby mo..... ganyan din baby ko matigas poops d nya mailabas kaya we use supositories para mag soften yong poops nya... nakakaawa kasi.... nadudurog puso ko sa iyak nya n nagmamakaawa dahil gusto nyang magpoops pero matigas.. kinakabagan n din sya pag more than two days walang poops. pero hindi muna ako ng change ng milk kasi nakabili n ako ng madami.... dahil 8 months n sya pinakain ko ng veggies at fruits pureed para hindi mabulunan. everyday tiyagaan lang magluto at magprepared ng food nya everyday tapos water.... everyday n syang napoops hindi lang malambot pero hindi n sya nahihirapan irelease.... observation ko pag milk lang yong intake nya constipated sya siguro kasi du n sapat n formula lang ang iconsume ng body nya kaya need nya solid foods.
Magbasa paBonna din po gamit ng baby ko tas turning 3mos din sya ngayong april 27. Nagka ganyan din poop nya dati pero once lang po yun. Medyo dinagdagan ko water sa milk nya tas nagwork naman. Pero ngayon balik nako sa right scoop. Kung laging ganyan ang poop nya momshie, baka di sya hiyang sa milk nya.
Sa age po kasi ng baby nyo hindi pa sya pwedeng painumin ng water.. kaya cguro mas maganda mag switch po kayo ng ibang fm.. try nyo po enfamil.. another thing, try nyo po yung i love you massage kay baby, every morning and before xa matulog at night..
Delikado po kapag hindi po tama sukat ng water sa formula as prescribed. Maaaring hind tama nutrisyon na makuha ng baby at pwede magkaroon ng water intoxication po.
c LO q nung nag.bonna ganyan dn nahihirapan mag poop peru sabi nng sister in law q meju ilabnaw daw unti ung gatas na tinitimpla, kunwari 4oz wag e.exact 4oz dgdagan onti ng water para d mahirapan mag poop, un ginawa ok naging ok nman..
baka d talaga siya hiyang sa milk, change milk kana momsh..
Halaa ganyan din dati baby ko mga 1mos. Old as in Dumadikit tlaga poop nya sa Diaper sa sobrang Tibi tpos 2days bago sya makapoop. Kaya gnawa nmen from Bona gnwa nnmen nestogen gatas nya ayun simula nun araw araw nsya napoop ..
If sinabe nman ng Pedia okay lang yun. Pero kung nag aalinlangan ka Tlaga inestogen mo nlang try mo lng sis.
Sis mag ask ka sa pedia mo, kasi ung baby ko nan gold ung milk nya tapos nagkaron ung poops nya ng dugo, amiba na pla un. Sa water nya nakuha kaylangan pakuluan pa ung water bago ipadede. Huhu
Same with my lo. 😢
Bonna din po baby ko.now eh bonamil na Nilalabnawan namin..dhil my natitira pa buo gatas tas nadede nila kaya matigas poop...tunawin tlga maigi at pag dalwa scoop gawin mo 150ml tubig
Mommy delikado po yan na dinadamihan ang tubig kaysa sa tamang sukat, hindi sapat nutrisyon makukuha po ni baby at baka din magkaroon ng water intoxication.
Better to ask ur pedia if ok lng mgchange ng milk or bawasan ung dami ng gatas s pgttimpla and ask n din po ung blood s stool nya. Meron ata, im not sure po, sa online consultation..
Nag ask nako sa pedia, sabe orange juice daw every morning at painumin ng 1oz tubig after feed kaso nag aalangan ako eh
Change milk mommy hindi siya hiyang sa bona sa ibang bby ksi nakaktigas siya ng poop masyado. Yan milk baby ko sa first week kaso hirap siya dumume kaya nagpalit ako s26 gold
Same sakin sis... Hindi siya hiyang sa bonna kaya matigas at tuyong tuyo tae ni Lo. Peru ngayon nka enfamil na ako the best sya gamitin sis. Try mo sis.
officially mum