Breastfeeding Problem

Ano po ba ang pwede kong inumin or kainin para lumakas ang gatas ko? Parang hindi na kasi kontento yung baby ko sa gatas ko... And Never po nanigas yung dede ko, pero sumisirit sya pag dedede si baby.. Sabi po sakin pawala na daw po gatas ko pag ganun.. Tama po ba sila? #pleasehelp #advicepls Thank you in advance 💞

Breastfeeding Problem
26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Unli latch lang po. Hindi po totoo yung pawala na yung milk niyo lalo na sinasabi mo sumisirit naman. If lagi dumedede si baby, siya mismo yung gagawa ng connection na mag produce pa ng gatas. And if stable na yung gatas po hindi titigas dede mo katulad nung mga 1st months mo. Always hydrate po and eat healthy. Think positive. Kasi pag nagisip ka na ng iformula si baby or puro negative, yun po ang nakakabawas ng gatas pag stress na ang nanay.

Magbasa pa

Same tayo di naninigas boobs ko pero mas normal daw yun kesa naninigas. unli latch ka lang. kung ano binibigay ng katawan mo ma gatas, enough lang yun para sa baby mo. more water and sabaw. malunggay din. if need mo ng supplement you can ask your OB for any suggestions. pero malamang malunggay supplement i-recommend nya.Good Luck! wag susuko padede momsh! :)

Magbasa pa

Check the output my wiwi? my pupu???my pawis if yes. So may gatas ka. How about weight? nadadagdagan ba every month?? if yes may gatas ka nga. Paano mo nasabing hindi nakukuntento si baby?? di nabubusog, umiiyak, iritable. Baka growth spurt. Unlilatch is the key.

unli latch lang momshie. kain ka na tulya, malunggay ganun ung masabaw na foods. para lumakas milk mo. pagpwede ka na magpump try mo din po pero the best si baby ung maglatch talaga. basta may output si baby wiwi ang poop ibig sabihin may naded siya sayo

kung sumisirit pag nadede si baby ibig sabihin may gatas ka pa mommy. feed on demand n po kasi si baby, stable na po yung pagproduce nyo ng milk kaya di na kayo nkakaaramdam ng paninigas. unlilatch lang po talaga kay baby.

share lang po. pwede din po yung towel na lalagyan ng hotwater. yung kaya niyo lang po yung init then imassage sa breast. more more water then po. vitamins and hindi po gutom 😊 basta magutom po tayo kain tayo kahit biscuit lang 😍

VIP Member

Hindi po totoo yun mommy. Basta nakaka poop ang baby, ibig sabihin may nadedede sya sayo. Saka padedehen mo lang po sya lagi lalakas po ang gatas nyo

same tyo momhs ganyan dn sbe sken sa center pag konti na lang dw lumabas sa milk ko kahit anong sabaw or malunggay capsule ayaw na tlga nya lumakas 😓

4y ago

Kaya nga ehh.. Hirap pa naman ng buhay ngayon para magpagatas sa bote..

Unli latch lang po mommy. dun po kasi nagdedepend yung katawan natin. more demand, more supply.

The best way to increase your milk supply is thru breastfeeding. Direct latch po, unli latch.