ano ng ob?
Ano po ba ang ob yun po ba yung pag nag paultrasound ako sorry po kase sa center lang ako nag papacheck up. Salamat po sa sasagot?
Same tayo, sa center lang din ako nagpapacheck up at 7 months nako ngayon. Siguro by april maghanap narin ako ng ob baka kase magtanong ang midwife kung saan ako manganganak hindi pwedeng hindi mo alam kase oobserbahan ka kung nachecheck upan ka nila, ganito kasi dito eh. Libre din mga vitamins na binibigay nila at check ups kaso lang di sila gaya ng ibang ob na every week kang maobserbahan. Kaya hanap kana ngayon sis ng ob mo.
Magbasa paKahit sa public hospitals may mga OB. Pag sa center kasi, check up lang ang magagawa nila sayo. Hanap ka ng public hospital near you, importante na may record ka sa ospital and OB na nagchecheck sayo para sa panganganak mo. Minsan daw kasi hindi tinatanggap sa hospital kahit manganganak ka na kung wala kang record sa ospital na yun. Hope this helps. ๐
Magbasa paPano ka po magkakarecord sa hospital kung hindi kau don magpapacheckup? Magkakarecord lang kayo kung magpapacheckup kayo. At saka bakit sa iba kau magpapacheckup at hindi nLang s kung saan kau manganganak. Mahirap kasi yon, dapat kung san ka nagpapacheckup don ka manganganak. Ano point ng pagpapacheckup mo kung sa iba ka manganganak. Kaya tau nagpapacheckup sa OB para mamonitor nila tayo at si baby. Para pag nanganak kna, alam na nila gagawin nila kasi namomonitor ka nila umpisa palang. Kumbaga alam nila un history mo. Mas safe yon na alam ng OB mo yung wellbeing mo at mas magiging kampante ka na safe ka dahil kilala ka na nh OB mo. Kaya dko magets bat gusto mo sa iba pacheckup at sa iba manganak. Like what's the point??? Baket??
Ob yan yung duktor ng mga buntis or basta about sa vagina. sakanya ka magpapacheck up para mas madali mo maintindihan. Parang dentista diba sa ngipin un, ung ob para sa mga buntis
Kumadrona is midwife. Sa lying in po nagpapaanak ang midwife hindi sa center. Wala po anakan sa center. For checkup lang talaga and vitamins.
Center lng din poh aqoh pero cla poh anv nagrerecomend ng lying in qong saan aqoh manganaganak nga sis
Dun makikita kung ilang week na c baby tapos kung anung weight nya and to make sure na preggy ka talaga...
Ako center muna tapos nagbigay sila ng vitamins tsaka kami nag pa Ultrasound and 13weeks na pala akong preggy
Dto samin pag nag papacheck up ako sa center ... minsan may sabi sila na tanong mo sa ob mo ๐
Hindi kasi sila nagpapaanak sa center. Checkup lang po yan. Need nyo pumunta sa hospital or lying in
Ob-gyne... Doctor po sya na specialist para sa mga buntis.. ๐๐๐
ok lng nmn kaht sa center bzta kng may kumplikado dpat mgpacheckup sa ob mismo
Ok lang sa center pacheckup pero dapat may checkup din po kau sa hospital or lying in dahil hindi naman paanakan ang center.
Ob po is ob-gyne. Sya po yung magcheheck up sayo during pregnancy.
Alam kong naman pong hindi pwede
May OB sonologist Meron din sonologist lang (doctor ng ultrasound)
Thank you Po๐
Mum of 1 sweet cub