baby needs

Ano pa kayang kulang? Chill lang po tayo mga momsh ah.. Yan lang kaya ng budget ko hehe pang cheap lang ?? pero naghahanap naman po ako na magandang quality pag dating sa bote ? gusto ko lang po kasi sanayin si baby na BF nalang. Nag decide ako na mag start sa cheap brand at maliliit ayaw ko po sanayin ? S bottle po gift lang po yan sakin nung xmas.. Sa Damit naman ni baby meron na may mg parating pa na onesies.. Stay at home lang muna po kami hanggang 3mos kaya napagdecide namin ni hubby na pag 3mos up dun na kami gumastos talaga ng bongga ? Yung ariel po pang baby sya at maraming nag rrecommend kaya gusto ko lang po i try ? Thanks ?

baby needs
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I suggest virgin coconut oil nalang gamitin mo sis meron sa mercury 199 lang madami na at matagal na magagamit with antibacterial properties pa yan coconut oil pang pahid sa tyan at paa si baby... tapos ung ointment para iwas sa rashes si baby maghanda ka din akin lucas papaw gamit q never xa nagka rashes... pati ung nasal aspirator at salinase pang sipon maghanda kna din^^

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

hi momsh, ask ko lang po san nakakabili ng lucas papaw ?

Mas maganda kung pang baby laundry detergent ang gamitin sa damit ni baby wag muna matatapang na amoy na detergent at wag rin idowny or kahit anong fabcon. At may sabon na pang baby bottle rin much better yun kesa sa pang hugas natin ng mga plato. Kulang pa po ng digital thermometer, petroleum jelly, pacifier, aciete de manzanilla, nursery box, nose aspirator.

Magbasa pa
5y ago

Perla nlng sis.

Momsh tip lang. Kuha ka na ng okay na bottle. Bumili ako ng 3 lang muna for my baby maski balak ko talaga magbreastfeed. Tommee tippee gamit ko and sobrang helpful sya ngayon na konti palang milk ko. Di sya nagkaron ng nipple confusion. Pero the rest okay naman na. I never used wipes, cotton ball and maligamgam water lang talaga.

Magbasa pa
5y ago

Gift lang po yan nung christmas momsh 😊 Bili nalang siguro kami pag need na talaga hehe. Thanks sa tip momsh 👍

If you are planning to buy bottles, I suggest na Pigeon na brand bilhin niyo. BF din ako dati and until now pero nung inistart kong binottle ko si baby, yun lang nahiyang niya. Tried using other brands like Dr. Brown's, Pur and Tommee Tippee pero ayaw niya nipple. Hehehe try mo lang if you want 😊

buti ka pa nakabili ka na ng mga ganyan..haha kailan ka manganganak?ako hindi pa ko nakakabili eh..sa march na ko manganganak..mga damit nya palang nabibili ko..pero mga toiletries nya..hindi pa..

5y ago

hehe congrats momsh..ako rin nag uunti unti na..march din kase ako manganganak eh..sana nga makompleto ko na rin mga gamit nya..para ipreprepare ko nalang para sa dadalhin sa ospital..

VIP Member

Wala naman sa brand yan sis.. as long as healthy si baby and may magagamit sya, wala yan sa mahal or brand na gagamitin mo para sa kanya.. ☺️

Hi Po ask ko Lang ano ba mga need NG newborn bby ? Yung mga pang personal gamit Ni bby , firstime mom palang Po ako 😊

VIP Member

Aciete de manzanilla mommy tapos sa damit po ni baby wag po muna ung msyado matapang na amoy na detergents and fabcons 😊

5y ago

Thank you mommy 😊

VIP Member

Yung sa feeding bottle sis normally malaki yung nipple na kasama pag bumili ka so better buy ng chupon na pang newborn.. :)

5y ago

Try ko muna i BF si baby sis pag di kaya mag bobote na.. Thanks sis! :*

Ay wow mommy... Same po tayo, nagbabudget pero dapat good quality pa din ang mga binibili. Galing nyo magbudget....

5y ago

Pag may nasobra lang sa checkup mommy dun lang kami bumibili.hehe magssearch muna ako tapos ttignan ko price para pag nasa grocery na kalkulado na haha😁😀 tska sabi ni mader ko kung uumpisahan ko mahal baka tuluyan sumelan si baby..