Pinplastic Ng Kapatid At Nanay

Ano mararamdaman nyo pag nabasa nyo usapan ng nanay at kapatid mong bunso na babae na gusto ka nila mawala sa bahay? Dahil wala ako matulong sakanila ngayon, wala akong trabaho. FYI, ung kapatid ko is nagaaral pa. Kahit singkong duling wala pang naambag sa bahay namin. Ako simula 18yrs old ako naging breadwinner ako. Ang sakit lang na ngayong wala kang silbi, gusto ka na nila mawala sa bahay. Ung kapatid kong babae halos lahat ng hingin nya sa nanay ko binibigay, pero ako kahit isa wala akong natanggap na regalo nung bata ako. Sya hihingi pambili ng milktea at paorder Order na lang sa food panda eh akala mo richkid, nagpabili pa ng iPhone nung bday nya, pabili ng makeup sa nanay ko, pashopping shopping pa sa forever21, eh ako nga hiyang hiya ako magpabili sa nanay ko ng damit. Umuutang naman ako sa nanay ko pero binayadan ko lahat un. lahat ng cp ko, damit ko, makeup ko galing sa bulsa ko. Sobrang sama ng loob ko. Binlock ko silang dalawa sa fb. Gusto ko ng lumayas dito samin. Di naman pala ako welcome dito.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Medyo same tayo sis pero mas may silbi ka naman kasi ako never naging breadwinner at ayoko din naman dahil barya lang ang Kita ko nun kumpara sa kita ng parents ko. Alam kong ayaw nila sakin at ng mga kapatid ko (14 and 11 y/o) dahil sa pera din. Hayaan mo na, pasok sa isang tenga labas sa kabila. ang priority ko din pag nakaipon e lumayas na agad dito. Lavan lang 😊

Magbasa pa

Alis ka na lang sis. I'm sorry they treat you that way.