Hubby problems

Ano bang pwede o dapat kong gawin? Ganto kc yung asawa ko may sideline sya ngayon (May work sya before kaso tigil pa rin till now) Nagreresell at nagtitinda ng kung ano anong food. Bali ako ang taga hanap ng customers.. Ako taga post taga entertain ganyan.. Tapos sya ang nagdedeliver. Syempre SAHM lng nmn ako kaya tumutulong din ako sa kanya. Pero ayun na nga. Dahil SAHM lng ako, pakiramdam ko nanliliit ako sa kanya. Pag inuutusan ko sya sa anak namin kasimple lng laging nagagalit at sinusumbat sakin na ang dali dali na nga lng daw nyan ganyan.. Sinusumbat pa yung time na nakatulog lng ako saglit at sya yung nag pakain sa anak namin. Bakit nga ba ako nakatulog? Kc hilong hilo ako sa init at sa buong araw na nakikipag usap ako sa mga customers nya. Napupuyat pa ako makabenta lng.. Nagpahinga lng ako saglit pero deadma sya akala nya baliwala lng yun.. Pag uuwi pa sya galing byahe ako pinagbubuntunan ng pagod at init ng ulo nya. Parang nayayabangan ako sa kanya porket kumikita sya.. Iniintindi ko na lng sa abot ng aking makakaya. Tapos sabi pa nya ang dali dali lng daw ng mga gawain ko sya raw pagod na pagod.. So bakit parang kasalanan ko? Ako ba may gusto nyan? Naiintindihan ko nmn sya yung pagod nya.. Pero everytime na uuwi sya ganun na lng set up namin. Tapos yung kinikita nya imbis na mag remit sa akin o ako ang maghawak ng pera hindi. Sya lng solo lng nya tinatago nya. Wala nga akong alam kung san napupunta kung iniipon ba nya o kung magkano ba e.. Di ko pinakeke alaman. Baka mag away lng kc kmi. Kahit kausapin ko sya lagi kong fear e yung mag away kmi at pagtaasan ako ng boses kasi mananahimik at mananahimik lng ako lagi. Pag everytime na sinasabi ko bibili nmn ako ng ulam kahit para na lng sa anak namin, naka simangot sya. yung parang ayaw na ayaw nyang gumagastos o naglalabas ng pera. Lagi nya sinasabi wala na kming pera ganon negosyante raw dapat matipid.. Alam ko nmn yun pero asaan nga asan yung kinikita? Puro Sa kanya lng nmn diba.. Pano kmi pano yung anak ko? akin lng din sana man lng kasama nmn ako sa business na ginagawa nya. Yung kming dalawa ba tlga. Hindi yung parang sya lng solo nya.. Dapat team e diba? Yung i acknowledge ka man lng sana na may silbi ka nmn.. Kasi ako nmn naghahanap at nageentertain sa mga customers nya.. Yung pasalamatan o ma appreciate ka man lng sa lahat ng ginagawa mong effort at suporta lalo na sa kanya.. Nakaka pangliit ng pagkatao ewan ko bat ganto nafefeel ko ? Btw may 1 y.o boy kmi tatlo lng kmi dito sa bahay, kasama na hubby ko. Ganun lng set up lagi. Kaya nga napapa isip ako gusto ko na pumasok ng work ngayon para may sarili akong pera at umuwi muna sa amin tutal pakiramdam ko parang gusto lng nmn nya mag solo tas yung ibang pagkain dito sa bahay inaasa pa nya sa magulang nya at ayaw nyang gumagastos sya.. Pwede na kaya kming maka byahe ng anak ko from sjdm,bul. to qc? Yun lng Haayy ☹️

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kakaloka yang asawa mo. Pati responsibility sa anak sinusumbat sayo? Hindi siya dapat ganon anak niyo yan walang bilang or walang katumbas ang pag aalaga sa anak niyo.Ipagdasal mo yan sis para matauhan sa ginagawa niya. Top priority dapat kayo hindu dapat siya selfish. Hindi na siya binata nako. At wag siya masyado magmayabang baka dumating ang araw lumagpak siya ikaw padin hahanapin at ikaw padin ang tutulong sakanya. Yang ginagawa niyo teamwork yan dapat hindi sinasarili. Ikaw naman yung nakakahanap ng mga customers di man lang niya ma appreciate yon eh kung wala kang ginagawa edi wala din sana siyang kita ngayon likee duuuh magisip isip siya nako. Kung hindi mo kaya kausapin personally ipag pray mo nalang siya.

Magbasa pa
5y ago

Yun nga po sis yun na lng tlga ang paraan.. ☹️🙏🏻

Iwanan mo ng matauhan para ma realize nya kung ano mga ginagawa nya sayo. At para naman malaman nya or maramdaman nya na may uuwian ka pang PAMILYA. Hindi ka lang nakasalalay lagi sa kanya!

5y ago

Ewan ko po ba 🙁