NEED AN ADVICE

Ano ba tamang gawin? May ex kasi ko (8yrs kami). Sya ang nakipaghiwalay. After 2 weeks nagkajowa na sya at nabuntis nya to. 1yr after namin mag break nagchachat sya sakin. Binlock ko na. Gumagawa pa ng ibang account. Na kesyo mahal nya pa rin daw ako.Pero huli na kasi nagkaanak na sya. Hanggang sa kinasal na ko 3 yrs after ng break up. Hanggang ngayon nagchachat pa rin sakin. Pinapakita ko pa nga sa asawa ko. Di ko nalang nirereplayan. Nung una sinabihan ko na sya na tumigil na.Hanggang sa nagsawa nalang din ako. Nung di pa kami kasal ng asawa ko kinausap nya na rin. Tumigil saglit pero makalipas ang ilang buwan ganun pa rin. Gustong gusto ko nang ipaalam sa gf nya tong ginagawa nya.Pero ayaw ko namang magaway pa sila at baka san pa humantong. Ano po ba pwede pang gawin? Gusto ko lang ng tahimik na buhay.Minahal ko sya ng sobra.Pero nirespeto ko yung desisyon nyang makipaghiwalay.Ngayon masaya na ko sa asawa ko. Ayaw ko nang balikan pa ang nakaraan. Gusto ko lang din makampante ang asawa ko lalo na't alam nya kung gano ko minahal yung ex ko dati.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dedmahin mo sis kahit anong pagpaparamdam niya titigil din yan. Wag mong hahayaang mabuhay ka sa nakaraan. Siya naman nagdesisyon ng break up tapos ngayon guguluhin ka kasalanan na niya yon. Kaya dedma lang. Wag mo paka isipin yan.