Ano ang usual na dinadala nio kapag potluck ang party?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

We avoid yung mga food na tomato based like Spaghetti, Caldereta, Menudo, etc. Mabilis kase mapanis yoon. May experience na kami na na food poison pati anak namin dahil sa pagkain ng spaghetti sa handaan. safe na dalhin ay cake.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-22604)

VIP Member

May malapit na bilihan samin ng masarap na palabok at pichi-pichi. It's called Brown Derby. Hehe fave kong bitbit yun for potluck ;) If not, puto or brownies from Goldilocks. Basta madali mahanap at mabitbit push na!

Depende sa dami ng attendees at oras ng party. Donut kahit anong oras kasi pwede dessert or merienda. Pag dinner/lunch na small party, bake salmon.

Desserts!!! 🍰🎂🍦🍮🍩🍪🍫 Family ng mga bakers kasi mommies! Hehe. Kaya madalas talaga diff kinds of desserts ang dala dala. 😉

Pansit malabon lagi ang dala namin sa mga handaan. Masarap kase mag luto ng malabon yung kapitbahay namin.

Madalas e sa amin nato-toka ang kanin hahaha masarap daw kase yung bigas na ginagamit namin e.

Chooks to go, ang pambansang manok at pambansang pot luck!

Yema cake, Buko pie or Sushi plate

Pancit palabok, donuts at cake.