Anonymous Confessions: Nakakabaliw ma-in love!

Ano ang pinaka baliw na ginawa mo dahil sa pag-ibig?

Anonymous Confessions: Nakakabaliw ma-in love!
101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

'yung pinili ko ung taong akala ko sya na talaga para saken na kahit di sya lamang sa itsura ng ex ko sya pinili ko. Kahit nung time na ginagawa nya na akong sangkalan sa magulang nya sya pa rin pinili ko. Na lagi syang nagsisinungaling sya pa rin pinili ko.

Nakatagal ako sa baliw kong ex jowa ng 2 years. Lahat ng sinasabi skin e kabaliwan, parang imahinasyon nya lang lahat. Hahaha. Kunwari naniniwala ako. Ayun, naghintay lang ako ng pagkakataon. Hiniwalayan ko. Ngayon, Im happily married with a 3-month old.

Graduating student ako noon. Sabi nila dapat kapag graduating bawal kung saan-saan pumupunta dahil lapitin sa disgrasya pero sumama pa din ako sa boyfriend kong 2days pa lang kami at hindi ako nagpapigil sa parents ko. Fyi, Mister ko na ngayon 😊

nag makaawa ako na sa kanya na mag ayos na kame kase di ko kaya ng wala siya, na okay lang kahit pagsabayin kame ng pangalawa niya. Ayun buti nlang naghiwalay na kame kung hindi, di ko makikilala lip ko ngayon na sobrang mapagmahal at maalaga :)

I resigned and give up my stable job as an accounting supervisor to apply as a factory worker in Taiwan para malapit sa kanya. Tas malalaman ko niloloko pala ko. Nalaman ko same day nung kukuha na ko ng visa. 😔 wala na kong choice kundi tumuloy.

Kahit Alam Kong hindi ko dapat Basta Basta binigay virginity ko sa boyfriend ko nun nung sinagot ko pa lang sya, binigay ko para mapatunayan ko sa kanya na Mahal na Mahal ko siya, Eto tuloy nabuntis, nahinto Ang pag aaral ko sa college

Hindi ko alam na 3rd party pala ako tas nong nalaman ko naman, gumanti ako, pinaghiwalay ko talaga sila ng tuluyan, pinaibig at pinaasa ko sya ng husto at in the end, iniwan ko ring luhaan si boy. Mali pero duhh! Serves him right!

Ung time na nalaman kong nakabuntis ang long relationship for 5yrs sa kachurchmate kopa... Pero I decided to let go....un ung unang beses na nagparaya ako kasi ayaw kong maranasan nung baby ng broken family like what i experienced

Nung time na sususko na siya pinuntahan ko siya sa work niya hinihintay konaa labas hababg umuulan kaso di din nagpakota sakin umuwi ako ng naglalakad habang umuulan ang layo at gabi pa😭 but happily married now💕💕

VIP Member

Pinuntahan ko sa trabho nya na pinag stayin-an nya dahil tiantaguan nya ko dahil may babae sya 🤣🤣 kaht gabing gabi na . At may mga aso sa kalye dumampot ako ng bote para pambato sa aso para lang makadaan ako

5y ago

Kapag gusto may paraan . Yung mga lalake kase puro lage dahilan nakakaasar haha