Trust Your Dede

Ano ang nagpapasaya sa akin ngayon? Bukod sa baby ko at sa pamilya ko, ITONG MGA GATAS NA ITO na tinatawag na "Liquid Gold". Isa ako sa mga nanay na hindi pinagkalooban nang kasaganahan ng gatas sa dibdib. Pero isa naman akong nanay na positibo at patuloy na naniniwala at nagtitiwala na kaya kong magkaroon ng gatas na sasapat sa pangangailangan ng baby ko. Hindi madali pero kakayanin dahil gusto ko ang Liquid Gold. Kaya sa mga tulad kong first time mom na hindi biniyayaan ng balon ng gatas sa dibdib at inaakalang walang nalabas sa dede, be positive and trust your dede! πŸ˜‰πŸ˜˜β€οΈ Lalabas at dadami rin yan 😊 Hindi batayan ang nakukuha sa pagpump para makita ang dami ng gatas sa dede dahil hiyangan ang pump na ginagamit. P.S Ang post na ito ay para sa mga nanay na tulad kong hindi biniyayaan ng naguumapaw na gatas. Hindi po ako magaling pagdating sa ganyan at lalong hindi ako nagmamagaling, nagpapakapositibo lang at gusto ko lang i-share ang pagiging positive ko lalo na sa nawawalan ng pag-asa. πŸ™‚βœŒοΈ

Trust Your Dede
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here mommy. Lahat ng pwede ko kainin na pampadami ng gatas, kinakaen ko na. Gusto ko talaga na di mag kulang sa breastmilk si baby. From 1oz na napapump ko dati, nakaka 4-5oz na ko. Tiwala lang and eat healthy! 😊

VIP Member

Wow😍😍😍 Ang dami naman po. Super blessed po kayo. Nakakainspire tuloy magcontinue pa magpabreastfeed.Salamat po sa pag share.