Ano ang karapat-dapat na parusa sa asawang nangaliwa?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I think ang Parusa sa taong nangangaliwa ay parusa din to each members of the Family especially the kids. I believe the lack of communication leads to infidelity and destroys the core foundation of the family. And it involves everyone in the family. So before we judge, we need to step back and look at ourselves why one of us fails to protect the family from selfish intruders. Why our partners let someone to go freely between us and destroy our family. Why as parents we let someone to disrespect our children and expose them to such scandals and let them think maybe keeping two partners is healthy and normal at the same time. We may not be perfect husbands and wives but we could strive to be good parents and create one. About sa Parusa. Hindi sa kung ano ang Parusa. Sino ba talaga ang may matinding Parusa. Naging anak din ako. And l saw my Father cheated my mother. My Father moved on, my mother moved on. They forgave each other and still together but l never moved on. I still think until.today that my partner would one day surprise me and drop a bomb in our relationship. Now I have a daughter and l kept on praying to be a good example to her coz l couldn't imagine her in the future of having her own family and children and thinking sleeping with multiple partners at the same time is Okay, is so now and trendy. I think we as parents should think and rethink our actions before doing something stupid. "Walang sapat na parusa sa kaliweteng asawa. KSP lang sila. Gusto lang nila i-reward at pansinin kahit mali sila"

Magbasa pa

Para sa akin, lahat naman ay sumasablay. Mainam pa din sigurong pag usapan kung anong mas pipiliin nya, ang sarili nyang pamilya o ang kanyang kinahuhumaligan. Kung sa akin nangyari yan, matapos kong tanungin at ang pinili ay ang kanyang kinakalantari ay magkokunsulta agad ako sa abugado kung anong nararapat na legal na hakban ang gawin. Hindi ko sya kakaladkarin, ipapa-bugbog o ipapahiya sa social media. Kung ano ang nasasa batas ay yun ang aking gagawin. Lalo na sa financial support para sa mga anak namin. Kung sya ay makukulong, so be it.

Magbasa pa

Para sa akin kung kaya pang ayusin ang relasyon mas ok pero kung hindi na talaga move on na at wag ng mag-isip pa kung paano gaganti o paparusahan ang asawang nangaliwa.. karma na lang ang bahala sa kanya... make your life productive na lang kasi may anak na nakadepende sa'yo... hindi mo naman siguro ikakamatay pag nawalan ka ng asawang di tapat... kaya ang pagtuunan na lang ng pansin ay ang anak mo at hindi na yang pagganti pa na iyan

Magbasa pa

Pansamantala, lumayo muna kayo ng mga anak mo para kahit papaano maka-galaw ka ng maayos at makapag-isip ng matino. If willing naman sya mag-bagong-buhay, you can give him a chance. Pero kapag pa-ulit-ulit ng ginagawa, consult a lawyer. Don't try to confront or hurt the mistress, you might get into big trouble kapag nag-demanda sya. Sa safe ka lumugar sis, get a lawyer.

Magbasa pa

Para sa akin, idaan na lang siguro sa legal na paraan para sa ikabubuti ng lahat kung ganun katindi ang effect sa family ng pangangaliwa. Iba-iba din kasi ang gravity ng cheating, meron thru text or chat lang, meron naman to the point na binabahay na. If kaya pa mresolve, you talk among yourselves. Nasa sayo naman yan kung kaya mo pa bigyan ng second chance.

Magbasa pa

Sa palagay ko wala sa kamay natin ang pagparusa. Mas maganda pa din na kapatawaran ang ibigay kaysa parusa. On the other hand kailangan din malaman ng nangaliwa yung bigat ng kasalanan na nagawa nya so pwedeng magset ng boundaries for him/her yung offended party na hindi nya pwedeng kwestiyunin.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-14422)

Lumayo kayo ng mga anak mo sa kanya para marealize nya na mali yung ginawa nya. Sya ang mawawalan mommy hindi ikaw. Wag mo ipakita or ipakausap sa kanya yung mga anak nyo.