Painless Birth
Ang weird bakit yung iba di nag papainless? Ganun pa yun kamahal at di afford ng mga nanay dito
Hi. Ako po hindi nagpa painless kasi lying in ako nanganak. Pinilit ako ng OB ko doon. Ayaw ko sana kaya lang feel ko medyo 'nabudol' nya ko gusto nya pala ko sa lying in kasi mas malaki PF na sa kanya mapupunta pag doon. 20k binayad ko for lying in 24 hrs lang ako dun lahat ata yun sa OB ko napunta kasi public yung lying in Ayun naman wala sila painless dun. Meron anesthesia. Inask ako if gusto ko raw ba. Mahihilo daw ako habang labor pero baka mahirapan ako umire kasi nga hilo. Sabi ko ayaw ko kasi di pa naman ako sakit na sakit. Tolerable pa naman though para kong nag menstrual cramps na x10 yung sakit nung nagle labor. Medyo mataas din kasi pain tolerance ko. Ayun. No anesthesia normal delivery si baby 😊
Magbasa paDepende yan sa advocacy and principle ng isang mommy and it depends din sa dream birth niya. If her dream birth is natural and unmedicated birth then wala talagang anesthesia yon. Ang weird is yung CS tapos irerequest na walang anesthesia. Hahahahaha
Simply because we mothers have the right to choose on how we deliver our children. Also it depends on the situation and belief of the mother. Maraming can afford but still opt to have unmedicated birth lalo na if tolerable naman ang pain.
Hindi naman issue yung afford o hindi. May kanya kanya tayong choices when it comes yo giving birth. Tayo may alam ng mga katawan natin at minsan di din natin hawak ang sitwasyon.
Tolerable naman ang pain bakit need i painless. Choice na ng mommy yun kung ayaw nya or gusto nya painless. Respect na lang.
Aq po painless pgklabas kc ng bby tulog k. Ska nkkatulong po kc pg eri m un. Lalo n kng d M alm umire.
Masakit pa din kahit painless dahil ang masakit naman talaga sa panganganak ay ung pagle-labor..
Alam ko po hindi na advisable ang painless.
Kung kaya nman bkit need painless
Expectant 1st time mom