Sama ng Loob ?

Ang sakit sa damdamin na marinig sa mismong ama mo na bugok daw ako or yung itlog ko kasi hanggang ngayon di ko pa sila nabibigyan ng apo kasi gustong gusto na nila magka apo. Kinasal kami nitong May 18 lang. magti3Months na kaming kasal pero wala pa din ? And alam kong may mali sakin kasi i have pcos pero sa twing may magtatanong sakin kung meron na daw bang laman nginingitian ko nalang. Ayoko nalang magsalita kasi feeling ko down na down ako pag sinabi kong hirap akong makabuo ? Ang sama sama na ng loob ko. ????

93 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako po may pcos both ovary pa at malalaki, pero sa awa ng diyos na ikinagulat ko talaga nabuntis ako, kahit sabi no ob na 10% lang daw chance na mabuntis ang may pcos, hanggang ngayon may pcos patin yung right ovary ko pero sa left wala na, don't lose hope mommy and pray lang po, try mo din po uminom ng paragis kasi yun po iniinom ko before ako nabuntis mahilig kasi sa herbal mother ko sya nagpapainom sakin nun,

Magbasa pa