Sama ng Loob ?

Ang sakit sa damdamin na marinig sa mismong ama mo na bugok daw ako or yung itlog ko kasi hanggang ngayon di ko pa sila nabibigyan ng apo kasi gustong gusto na nila magka apo. Kinasal kami nitong May 18 lang. magti3Months na kaming kasal pero wala pa din ? And alam kong may mali sakin kasi i have pcos pero sa twing may magtatanong sakin kung meron na daw bang laman nginingitian ko nalang. Ayoko nalang magsalita kasi feeling ko down na down ako pag sinabi kong hirap akong makabuo ? Ang sama sama na ng loob ko. ????

93 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mommy :) I have PCOS din, both ovaries. Ang nakatulong sakin is mag change talaga ng lifestyle. Healthy eating plus exercise. Tapos mag visit ka din sa ob para matulungan ka from time to time. Nag visit ako sa ob 2017. From then on unti unti na ko nag healthy living. 35 weeks preggy na ko ngayon and okay naman lahat :) Mahirap talaga pag may PCOS, pero we can do something about it.

Magbasa pa