Sama ng Loob ?

Ang sakit sa damdamin na marinig sa mismong ama mo na bugok daw ako or yung itlog ko kasi hanggang ngayon di ko pa sila nabibigyan ng apo kasi gustong gusto na nila magka apo. Kinasal kami nitong May 18 lang. magti3Months na kaming kasal pero wala pa din ? And alam kong may mali sakin kasi i have pcos pero sa twing may magtatanong sakin kung meron na daw bang laman nginingitian ko nalang. Ayoko nalang magsalita kasi feeling ko down na down ako pag sinabi kong hirap akong makabuo ? Ang sama sama na ng loob ko. ????

93 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Una sa lahat masakit talaga makarinig ng ganyan pero if aware ka na may PCOS ka do something about it sis. Try to take supplements na effective- magresearch ka kase iba iba ang pagtake ng katawan natin sa ganyan. Pangalawa wag kang mapressure bagong kasal pa pala kayo. Ako nga 4 years married 2x miscarriage pero buntis ulit now. Praying so hard kay God na eto na talaga ung pra samin. Basta prayers lang and magusap kayong magasawa kung ano talaga plano nyo when magkababy. Kayo ang nakakaalam if ready na kayo at hindi kung sinuman not even your family. Kase ikaw magbubuntis, kaw manganganak at ikaw magpapalaki hindi naman sila. God bless!

Magbasa pa