Overthink😭

Ang hirap po super ang dami pumapasok sa isip ko bigla nalang ako umiiyak ang dami ko regrets sa buhay ko naaawa ako sa anak ko sa sarili ko at sa asawa ko.. Sa anak ko naaawa ako kasi hindi ko sya mabigyan ng magandang buhay sa sariling sikap namin mag asawa. Naaawa ako sa sarili ko hanggang kaylan ako magtitiis sa ganitong buhay ko hindi naman eto pinangarap ko eh. Naaawa ako sa asawa ko dahil kahit ano gawin namin hindi kami makaalis sa puder ng magulang nya kapag nagpaplano na kaming bubukod biglang may darating na hindi inaasahan 😭😭😭 nahihirapan na po ako mga mommy ngayon gusto na matapos nalang naaalala ko happy moments namin nung magulang ko nung kasama ko pa sila ang daming sana pero kapag tinititigan ko anak ko lumalakas ako pero andun parin yung guilt dahil kung hindi sa kalandian man tawag dito may magandang buhay pa sana ako na maibibigay sa kanya.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hugs mommy. 🤗 Anumang situsyon meron ka ngayon... it is God’s will. Dinala ka nya dyan kase He knows you can handle it. Pray lang palagi. Makakaisip din kayo mag asawa ng way para makabukod at maitaguyod ang family nyo. Kaya nyo yan. Kinaya ng iba... kakayanin din naten! 😊

Related Articles