In-Laws Problem

Ang hirap po pala pagkamalaman niyong ippinaplastic po kayo ng mga in-laws niyo ano? Napagalaman ko lang po kasi accidentally na pinaguusapan po kung paano ako mamili ng gamit ng bata. Namili na po kasi ako ng gamit ni baby, mostly mga baru-baruan and ung iba sa online ko po nakuha. Panay po ang pintas na kesyo ang liliit daw po ng nabili ko kahit na po ba medium at large na po ang mga binili kong baru-baruan at pajama. Bukod pa po dun, yung father-in-law ko pa po ay makapagsabi na mapera kami kesyo yung ibang gamit ay sa online binili, kaya lang naman po ako umorder online kasi po mas mura at mga nakasale na yung mga napamili ko. Nung naglaba din po ako ng mga damit ni baby, at naisampay ng gabi, madami na pong sinabi na hindi maganda kesyo wag daw po gabi magsampay, or sana hindi nagamoy usok kahit na po ba hindi naman mausok sa lugar. Panay ang pintas at puna na kesyo dapat hindi ko muna daw nilabhan kahit na po ba 31 weeks na ko. Yung sa puting baru-baruan po, si mother-in-law po ang naglaba kahit na po ba sinabi ko na ako na po ang maglalaba. Bale kaunting kasiyahan ko na nga po sana ang ako mismo ang makapaggawa nun para sa anak ko, nakuha pa po ng mother-in-law ko at panay nga po ang pintas ng size kahit na po ba medium at large ang mga pinamili ko. Nakakasama lang po ng loob na bawat kilos ko ay pinaguusapan po pala kami ng palihim, at lahat ng mga ginagastos namin para sa anak namin ay tila tinitignan, hinuhusgahan, at pinupuna kahit naman po wala naman po dapat na punahin. Meron din po ba sainyo na nakakaexperience ng ganitong problema? Paano niyo po nalalagpasan ang stress na dulot neto?

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, baka emotional ka lang kasi buntis ka... Ito based from my experience.. Ang ibang tao laging may masasabi sayo. Nakikitira ba kayo sa in laws mo? If yes, bumukod kayo.. Kasi madami talagang unsolicited advice ka na matatanggap lalo na if they are doing you a favor. Kaming mag asawa nakabukod kami... Ang dami sinasabi in laws ko pero di namin pinapansin kasi independent kami... Pero nung buntis ako, my husband asked my mother in law to look after me. Yan na.... Alam mo un nakikielam na sila kasi nga they are doing you a favor and may utang na loob ka sa kanila..... Nahirapan ako at first iexecute ung mga decisions. Ultimo pagsugod sa er ng baby ko as my baby was not feeding for a long time. Nagdrop ung sugar ni baby. OA lang daw ako sabi nila. From that day, my husband told me.. It is our life and our child, we decide how the want things to be... Then, ignore na lang namin ung medyo negative na sinasabi nila. After all magulang sila ng asawa ko... And it is also a trade for the things na good na ginagawa nila... I am sure may nagagawa naman silang mabuti for you diba?

Magbasa pa