In-Laws Problem

Ang hirap po pala pagkamalaman niyong ippinaplastic po kayo ng mga in-laws niyo ano? Napagalaman ko lang po kasi accidentally na pinaguusapan po kung paano ako mamili ng gamit ng bata. Namili na po kasi ako ng gamit ni baby, mostly mga baru-baruan and ung iba sa online ko po nakuha. Panay po ang pintas na kesyo ang liliit daw po ng nabili ko kahit na po ba medium at large na po ang mga binili kong baru-baruan at pajama. Bukod pa po dun, yung father-in-law ko pa po ay makapagsabi na mapera kami kesyo yung ibang gamit ay sa online binili, kaya lang naman po ako umorder online kasi po mas mura at mga nakasale na yung mga napamili ko. Nung naglaba din po ako ng mga damit ni baby, at naisampay ng gabi, madami na pong sinabi na hindi maganda kesyo wag daw po gabi magsampay, or sana hindi nagamoy usok kahit na po ba hindi naman mausok sa lugar. Panay ang pintas at puna na kesyo dapat hindi ko muna daw nilabhan kahit na po ba 31 weeks na ko. Yung sa puting baru-baruan po, si mother-in-law po ang naglaba kahit na po ba sinabi ko na ako na po ang maglalaba. Bale kaunting kasiyahan ko na nga po sana ang ako mismo ang makapaggawa nun para sa anak ko, nakuha pa po ng mother-in-law ko at panay nga po ang pintas ng size kahit na po ba medium at large ang mga pinamili ko. Nakakasama lang po ng loob na bawat kilos ko ay pinaguusapan po pala kami ng palihim, at lahat ng mga ginagastos namin para sa anak namin ay tila tinitignan, hinuhusgahan, at pinupuna kahit naman po wala naman po dapat na punahin. Meron din po ba sainyo na nakakaexperience ng ganitong problema? Paano niyo po nalalagpasan ang stress na dulot neto?

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

di nmn kplastikan kung pag usapan ka ng inlaws mo, natural yon na me mga opinyon sila . napapalstikan lng tayo kapag hndi nten gusto naririnig naten.. kung palagay mo e bwat bnbili mo o desisyon mo e okay, wag mo ntindhin nririnig mong snsbi nila as long as srili niyo pera pnambibili niyo.

deadma lang mommy. namaster ko na yan. laging iwas stress at stay positive. alam kong mahirap pero kaya kung gugustuhin. lagi mo lang isipin na kapag nagpaapekto ka palagi, talo ka. 😉 lagi ka lang magdasal na habaan ang pasensya at lawakan ang iyong pang unawa. 😊

Hahahahaha ganyan talaga ang mga yan mamsh don't mind them alm mo ang MIL ko mabait sya sobra kaso pansin ko sknya mahilig sya mag kwento sakin about sa ibang tao kaya for sure ikinekwento din ako sa iba pero I don't mind her hahahaha basta ako marunong ako makisama.

Deadma lang ang sagot dyan. So long as di mo sila nasasagot ngg bastos bayaan mo sila since kayo magasawa naman magsasama. Wala sila magagawa. Now your spouse will be the judge kung ano pa dapat nila gawin to appease both sides.

Ganyan naman usually ang matatanda, parati silang may opinion sa kahit ano dahil syempre para sa kanila ang way nila ang best. Wag mo nalang pansinin. Pero kung affected ka na, talk to your partner about it.

Alam ko yang feeling na yan mommy, but yun lang hayaan na lang kasi kahit anong gawin ganyan talaga sila mag isip. Bale bahala na sila sa mga sasabihin nila, tayo naman mag aalaga sa anak natin.

Ganyan talaga kung kasama mo sila sa bahay. Lahat pakikialaman. Kaya nga magsikap kayo na bumukod. Napakasarap sa feeling ang nakabukod ng bahay. Mahirap pero atleast mapagsisikapan.

haha..ganyang talaga mga inlaws momsh! dmo alam if may inggit sila oh ano..khit nananahimik ang buhay mo gagawa sila.ng mga bagay2 para makapag issue..mga baliw ika nga

Mas better nga sis na wag mo nalang pansinin, kasi pag pinansin mo masstress ka lang. Hayaan mo nalang muna, siguro pagkanakapagipon ipon kayo, bukod nalang kayo :)

Sis bumukod ka after mo manganak kung kaya nyo na ng hubby mo. Mas masarap yung ikaw mismo nakakapag desisyon sa lahat lahat😀. Well suggest ko lang naman yun.