In-Laws Problem

Ang hirap po pala pagkamalaman niyong ippinaplastic po kayo ng mga in-laws niyo ano? Napagalaman ko lang po kasi accidentally na pinaguusapan po kung paano ako mamili ng gamit ng bata. Namili na po kasi ako ng gamit ni baby, mostly mga baru-baruan and ung iba sa online ko po nakuha. Panay po ang pintas na kesyo ang liliit daw po ng nabili ko kahit na po ba medium at large na po ang mga binili kong baru-baruan at pajama. Bukod pa po dun, yung father-in-law ko pa po ay makapagsabi na mapera kami kesyo yung ibang gamit ay sa online binili, kaya lang naman po ako umorder online kasi po mas mura at mga nakasale na yung mga napamili ko. Nung naglaba din po ako ng mga damit ni baby, at naisampay ng gabi, madami na pong sinabi na hindi maganda kesyo wag daw po gabi magsampay, or sana hindi nagamoy usok kahit na po ba hindi naman mausok sa lugar. Panay ang pintas at puna na kesyo dapat hindi ko muna daw nilabhan kahit na po ba 31 weeks na ko. Yung sa puting baru-baruan po, si mother-in-law po ang naglaba kahit na po ba sinabi ko na ako na po ang maglalaba. Bale kaunting kasiyahan ko na nga po sana ang ako mismo ang makapaggawa nun para sa anak ko, nakuha pa po ng mother-in-law ko at panay nga po ang pintas ng size kahit na po ba medium at large ang mga pinamili ko. Nakakasama lang po ng loob na bawat kilos ko ay pinaguusapan po pala kami ng palihim, at lahat ng mga ginagastos namin para sa anak namin ay tila tinitignan, hinuhusgahan, at pinupuna kahit naman po wala naman po dapat na punahin. Meron din po ba sainyo na nakakaexperience ng ganitong problema? Paano niyo po nalalagpasan ang stress na dulot neto?

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy natural lang tlaga may mga mapapansin MGA in laws natin,one day pag Naging in laws kana I'm sure Meron at Meron ka din mapapansin sa mapapangasawa Ng anak mo hihi ✌️✌️ .. aq nga sinasabihan aq Ng hayahay ,tsismis aq sa kapitbahay , ska Marami Sia pinapansin ,tulad nlang Ng pagligo ko ng Gabi dati wag daw aq SA Gabi naliligo para Hindi daw aq pasukin Ng lamig eihh SA province nmin Yun na nakasanayan k .. pero sinunod ko nlang at nakabuti nman sa akin ... , maigi dun kana lang SA positive na pamumuna mag focus .. para Hindi ka mastress .. Kasi may mga mapapansin Sila na ikakaayos mo din at ni baby .. , ung mga panget nman na need ka itsismis ..dedmahin mo nalang kagaya ko .. , at sabayan mo nlng Ng dasal na sna mabago Nia ganung ugali .. 😊✌️✌️,..

Magbasa pa