βœ•

In-Laws Problem

Ang hirap po pala pagkamalaman niyong ippinaplastic po kayo ng mga in-laws niyo ano? Napagalaman ko lang po kasi accidentally na pinaguusapan po kung paano ako mamili ng gamit ng bata. Namili na po kasi ako ng gamit ni baby, mostly mga baru-baruan and ung iba sa online ko po nakuha. Panay po ang pintas na kesyo ang liliit daw po ng nabili ko kahit na po ba medium at large na po ang mga binili kong baru-baruan at pajama. Bukod pa po dun, yung father-in-law ko pa po ay makapagsabi na mapera kami kesyo yung ibang gamit ay sa online binili, kaya lang naman po ako umorder online kasi po mas mura at mga nakasale na yung mga napamili ko. Nung naglaba din po ako ng mga damit ni baby, at naisampay ng gabi, madami na pong sinabi na hindi maganda kesyo wag daw po gabi magsampay, or sana hindi nagamoy usok kahit na po ba hindi naman mausok sa lugar. Panay ang pintas at puna na kesyo dapat hindi ko muna daw nilabhan kahit na po ba 31 weeks na ko. Yung sa puting baru-baruan po, si mother-in-law po ang naglaba kahit na po ba sinabi ko na ako na po ang maglalaba. Bale kaunting kasiyahan ko na nga po sana ang ako mismo ang makapaggawa nun para sa anak ko, nakuha pa po ng mother-in-law ko at panay nga po ang pintas ng size kahit na po ba medium at large ang mga pinamili ko. Nakakasama lang po ng loob na bawat kilos ko ay pinaguusapan po pala kami ng palihim, at lahat ng mga ginagastos namin para sa anak namin ay tila tinitignan, hinuhusgahan, at pinupuna kahit naman po wala naman po dapat na punahin. Meron din po ba sainyo na nakakaexperience ng ganitong problema? Paano niyo po nalalagpasan ang stress na dulot neto?

34 Replies

Sis, baka emotional ka lang kasi buntis ka... Ito based from my experience.. Ang ibang tao laging may masasabi sayo. Nakikitira ba kayo sa in laws mo? If yes, bumukod kayo.. Kasi madami talagang unsolicited advice ka na matatanggap lalo na if they are doing you a favor. Kaming mag asawa nakabukod kami... Ang dami sinasabi in laws ko pero di namin pinapansin kasi independent kami... Pero nung buntis ako, my husband asked my mother in law to look after me. Yan na.... Alam mo un nakikielam na sila kasi nga they are doing you a favor and may utang na loob ka sa kanila..... Nahirapan ako at first iexecute ung mga decisions. Ultimo pagsugod sa er ng baby ko as my baby was not feeding for a long time. Nagdrop ung sugar ni baby. OA lang daw ako sabi nila. From that day, my husband told me.. It is our life and our child, we decide how the want things to be... Then, ignore na lang namin ung medyo negative na sinasabi nila. After all magulang sila ng asawa ko... And it is also a trade for the things na good na ginagawa nila... I am sure may nagagawa naman silang mabuti for you diba?

mommy natural lang tlaga may mga mapapansin MGA in laws natin,one day pag Naging in laws kana I'm sure Meron at Meron ka din mapapansin sa mapapangasawa Ng anak mo hihi ✌️✌️ .. aq nga sinasabihan aq Ng hayahay ,tsismis aq sa kapitbahay , ska Marami Sia pinapansin ,tulad nlang Ng pagligo ko ng Gabi dati wag daw aq SA Gabi naliligo para Hindi daw aq pasukin Ng lamig eihh SA province nmin Yun na nakasanayan k .. pero sinunod ko nlang at nakabuti nman sa akin ... , maigi dun kana lang SA positive na pamumuna mag focus .. para Hindi ka mastress .. Kasi may mga mapapansin Sila na ikakaayos mo din at ni baby .. , ung mga panget nman na need ka itsismis ..dedmahin mo nalang kagaya ko .. , at sabayan mo nlng Ng dasal na sna mabago Nia ganung ugali .. 😊✌️✌️,..

Hay naku sis better wag mo na lang silang pansinin tahimik ka na lang alam mo naman mga inlaws ( pero di naman po lahat) ako nun dati ganyan din bawat kilos galaw na gagawiin sa baby puna hinayaan ko na lang nung nagtagal narealize din siguro nila mga pagiging mapuna nila dahil dedma na lang ginagawa ko kahit sasabog na ko sa inis at irita sa kapapansin nila. Ngayon nabawasan na dahil sa edad siguro nila. Tiyaga lang at ipakita mo na marunong ka din sa mga gusto nilang mangyari. Saka daanin mo na lang talaga sa pasensiya.

Hindi mo talaga maiiwasan ang ganyan lalo na’t naka pisan kayo sa mga inlaws mo, tska natura na talaga ng mga matatanda ang ganyan almost perfect sila sa mga pagkakaalam nila sa sarili nila. Kaya dapat pag may sinasabi o pinupuna pasok at labas nalang sa kabilang tenga, hayaan mo nalang aslong dka naman pinagmumumura. Kung hindi mo na matiis, kausapin mo nalang hubby mo at sabihin na bumukod na kayo, pero kung ala pang chance wag mo nalang silang pansinin, iwasan mo nalang para dka ma stress at si baby mo.

Hahaha RELATE πŸ˜‚ eh ako wala pakelam kahit ano sbhin sakin oo nakkabadtrip pero wala naman ako mgagawa kung mga pakelamera sila. Feeling kasi nila magaling sila. Ako nga narinig ko pa tanghali nadaw ako magising eh wala naman daw ako trabaho buntis ako non. Di nila alam gising ako sa mdaling araw kaya bumabawi ako ng tulog sa umaga. At mrami pang iba hahaha. Nkakabwisit pero labas nalang sa kbilang tenga. Isipin mo nalang mamsh "MY CHILD MY RULES!"

Oo toxic mga ganyan.. Ako nga eh ung FIL ko apaka yabang magsalita, kht for example may napag usapan at agreement na eh bgla sasabhn d daw kmi nagsabi sa kanya.. Next naman is ayaw nila name ng baby ko kc ang haba daw lols eh anak naman namin un kami ang parents so kung ano gsto namin un dapat.. Then bubukod kmi.. Bumukod na kayo kc pag nanganak ka na baka mawala na din karapatan mo maging ina sa anak mo...

wag mo nalang sila pansinin momsh mostly sa edad nila ganun po talaga,.. as long as nabibili mo naman mga gustong gamit ni baby ok na yun.. yung baby mo nalang isipin mo ma stress ka lang.. ganun naman talaga tayong mga mommies kung anong best para sa anak natin ibibigay natin diba? makikita din naman nila na pag lumabas yung baby mo eh makikita nilang tama lang binili mong mga damit kay baby.. 😊

VIP Member

Try mo nlng mag bukod kayo for privacy kung dka nman pla masaya n pinupuna ng parents ng asawa mo kung ako nsa kalagayan mo masaya ako pag ginaganyan which is dko naranasan malayo kc ako kmi lng ng asawa at anak ko nkabukod ...pag gnyn magpasalamat k at concern ang mga byenan mo thanks God gnyn cla it means my pkialam sila sau..ok lng yn kc pg lumabas n ang bata bka mag sawa k kakalaba

Wla ako mashare sis kasi ang in-laws ko ang babait. Hayaan mo nlang sila. Kung nkatira kau sa kanila much better bumukod kayo. Huwag mo nlang din intindihin baka mapano kapa. Iba kasi generation nila sa atin ngaun. Intindihin mo nlang para walang gulo. Pero pag d mo talaga kaya lipat kau ng place para d ka makita everyday. 😊😊

VIP Member

halos ng byenan ganyan mapuna lalo na mga babaeng hyenan halos lht pupunahin. maswerte ka pa nga nyan dhil ganyan lng nararanasan mo sa in-laws mo.skin kc halos pinapatayan kme ng electricfan pag sasapit na ng umaga.. hahah pro ok lng skin pinapadyos ko na lng ang lahat.. god is good πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ™‚πŸ™‚πŸ™‚

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles