:(

Ang hirap pala, nasabi ko na kay mama na buntis ako, ang hirap tanggapin na hindi kami okay ng mama ko, stress na ako , paano ko pa maipapaalam sa papa ko to, kung kay mama pa lang hindi ko na kaya tanggapin na nasaktan ko mama ko:( hindi ko na alam gagawin ko:( nanghihina na ako:(

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tatagan mo lang loob mo mommy and always pray na maendure ko yung reactions nila at possible consequences ng actions mo. Kayanin mo para sainyo ni baby. Nasaktan ko na rin mama ko non. Nung umamin ako na may nangyari na samin ng bf ko. Di man ako nabuntis pero talagang nadisappoint sya sakin. Tingin nya wala akong pinagkaiba sa mga kaedadan kong pinsan na nabuntis. Kaya tiniis ko yon pati bf ko kinausap nya pinagalitan nya, minura pa😥 mula non di nya na pinakitaan ng maganda. Tas inearn ulit ni bf trust nya. Di na namin ulit ginawa. Pinakita ko sakanya na di na ko uulit hanggang di kami nakakasal. Unti unti natanggap nya nangyari samin pero may lamat na. D nya daw makaakalimutan. Pinagdududahan nya lagi kami pag magkasama kami. Lahat ng yon naging ok ng nakasal kami ni bf na hubby ko na ngayon. Pinakita nya na seryoso sya sakin. Ngayon mommy excited na sya kasi magkaaapo na sya. 28 na pala ako. 😅 old sch kasi mama ko. Sorry napahaba😅 anyway mommy don't worry everything will be fine. Nasaktan mo sila, nasuway mo sila oo..just be sorry and hayaan mo sila iprocess ying mga nangyari at nangyayati sayo. Everything will be fine☺️🤗

Magbasa pa

Sa una lang yan. Ung ate ko nabuntis ng 16 yrs old. Sa guidance office sinabi ng ate ko sa mama ko kaharap ung nakabuntis sa kanya kasi kaya nila nalaman ay buntis hinimatay sya. Then habang naguusap sila, sa galit ng mama ko, sabi nya "ilayo nyo sakin yang lalaking yan baka ihagis ko yan palabas ng bintana". Hehe amazona ang mama ko, sobrang tapang. Natakot pati guidance counselor. She even thought of aborting the baby, cguro dala ng galit. Pero nung nahimasmasan sya, sinabihan nya ate ko na ituloy na ung baby kasi walang kasalanan. Ngayon, 21 yrs old ba ung baby na un. Nagwowork na. Mula isinilang yun hanggang ngayon, mama ko ang matyaga at walang sawang nagaalaga. Sa kanya rin nakatira. Literal na hatid sundo ang pamangkin ko sa lola nya. Ganun nya kamahal ung apo nya. At un din ang sumusuporta sa mama at papa ko ngayon. At ung lalaking nakabuntis sa ate ko, 25 years na sila ngayon ng ate ko at 3 na anak nila. Tinapos nila pag aaral nila at nagpakasal. Walang imposible kay God. Yung akala mong napakapanget na nangyari sayo, kaya Nyang gawing maganda at kaibig ibig. Pray ka lang.

Magbasa pa
5y ago

Totoo yan. There's a rainbow always after the rain. 🌈

Sis huwag ka magalala si mama ang lagi nati g kakampi kahit anong mangyari. Si mama na galit lang sa una oag nalaman kasi iniisip niyalang sin ang kapakanan natin si mama ma nagaalala kung kaya naba nayin yung sinadala natin si mama lang nagaalala kapag mararanansan mona yug sickness ng pagbubuntis si mama lang ang nagaalala pag malapit kana sa paglabor si mama ang magaalala kapag manganganak kana si mama din ang magaalala sayo kapa lumabas na si baby si mama lagi ang nsa side natin isipin natin lahat ng good things about sa mga nangyayari nagulat lang siya pero di siya galit, di kalang niya kinakausap kasi nagtampo, pero si mama? Siya lang ang magigin kakampi natin sa buong buhay natin sila yung sasangga satin lalo na sa mga mang aapi o magagalit satin mga taong mapang mata. Kaya sa una lang iyan hayaan mo din siya na magsabi sa papa mo pag handa nasiya tutulungan ka niya di kaniya hahayaan magisa magsabi sa papa mo😊😊 congrats sis. Maging matapang kalang.

Magbasa pa

Face the consequences. Ganyan din si mama ko dati. Si papa, mejo ok lang. Tanggap agad ni papa. Si mama kasi mataas ang expectations niya sa akin especially na dito ako sa abroad. Hanggang ngayun disapointed pa din si mama sa akin. Kahit sabihin niya na tanggap na niya at mahal niya din si baby. Nafe-feel ko pa din ung pagka disapointed niya sa akin every time mag usap kami. Kaya disappointed din ako sa sarili ko. D ko pa din pinapatawad sarili ko hanggang ngayun. Pero ok lang. Going 5 mos na pala baby ko this month at magkasama kami ni hubby dito sa abroad. Magiging ok din yan sis. Pray lang. Time heals all wounds. Think positive lang. Para kay baby.

Magbasa pa

Na disappoint si Mami mo pero deep inside makalipas hindi ka niya matitiis ganyan din ako sa first baby ko tinanggap ko lahat at anjan na yan kailangan mo lang alagaan pati din ng partner or jowa na nakabuntis sayo ipakita niyo sknla na kaya niyong tumayo sa ngyon mahrap matanggap Dhil crisis din sa buong bansa. Saka mo nlng ulit kausapin si Mami mo kpg okay na ang lahat matatanggap niya din ni Mami yan pero wag u muna ipilit.. pede ka pa nman mag study ulit after u mag alaga kay baby.wag mong isipin ng kung anong bad kay baby Dhil buntis ka hindi yon maiiwasan pero isipin mo Blessing ang magkaroon ng baby at pinanindigan😘

Magbasa pa

Mamsh Mag sorry ka, ganun talaga kasi di pa ready magulang mo. Pero make sure na na gagawin mong inspirasyon yung bata para makatulong padin sa mama at papa mo. I feel you 😢 Actually pinalayas nga ako eh para din sa ikakabuti ko since madami chismosa samin 2 months ako di pinansin ng magulang ko pero syempre kahit mag kagalit kami nag bibigay padin ako allowance nila. di porket nag ka baby ka di ka nila anak at the end of the day anak ka pa din nila. Basta gawin mong inspirasyon si baby para maka bangon :) Make sure na di mo na sila mabibigo uli :)

Magbasa pa
5y ago

Nagsorry na po ako kay mama, kaso ramdam ko tlga na masama loob nya sa akin:( ngayon lan kasi nangyari na magkaganito kami ni mama,hindi ako sanay, hindi ko kakayanin,nasaktan ako nung sinabi nya sa akin na sinira ko tiwala nya:( ako mismo bumali ng mga expectations nila na ako mismo nagpaasa..sobrang nasasaktan po talaga :(

Bigyan mo lang ng time mama mo. Nabigla cguro siya. Ako sis. Sobrang dami kong naging maling desisyon sa buhay. Lahat ng tao pakiramdam ko tinalikuran ako. Nag hirap ako. Jobless, may anak, iniwan kami ng tatay, nahiya ako sa mga kaibigan ko na ganito na nangyari sa buhay ko kaya ina isolate ko yung sarili ko at yung baby ko. Pero yung mama at papa ko kahit alam ko na disappointed sila sa akin sila pa din yung tanging tao na pinilit akong ibangon sa pagka lugmok ko kahit na alam ko na marami din silang mga problema sa business at iba pa

Magbasa pa

Ganyan talaga sis sa una. Nadisappoint siguro sila kasi baka malaki ang pangarap nila para sayo. Pero walang magulang ang makakatiis sa anak. Magpakumbaba ka lang palagi at respetuhin sila. Hindi ka nila matitiis lalo na pag lumabas ang baby mo. 😘 Ganyan na ganyan ako nung nabuntis ako. Gumraduate lang ako ng college at nakapag work ng 1 taon tapos nagkababy na. 😬 Pero ngayon, okay na okay na okay na kami ng family ko. Family will always be your family. Talikuran ka man ng lahat pero ang pamilya mo anjan lang ❤️

Magbasa pa

Yung mother ko hindi namN sya nagalit pero nung una hindi sya naniniwala kasi lagi ako nagjjoke na delayed ako so siguro nasanay sya pero tanggap naman nya. Sa father oo naman pinakita ko lang 1st ultrasound ko then saknaya ako kabado medyo mataas boses nya nung tinanong nya ko kung buntis ako. I said yes and then he keeps on insisting na ikasal kami ng partner ko. Pero di ako pumayag kasi decision namin ng partner ko ang masusunod pa din. Dahil ang main priority namin is ung magiging anak namin.

Magbasa pa
5y ago

Samin naman po ng partner ko plano na din po talaga namin magpakasal pero nauna po talaga honeymoon😂😂😂 pero ayun nga po pinipilit po kami na kahit sa kasalan bayan nalang daw pero di pa din po ako pumayag basta ang priority namin ay ang anak namin 😊

Kaya mo yan.. Tatagan mo loob mo.. Nabuntis dn ako noon ng di pa kasal kaya nasaktan ng sobra mama ko.. Mula ng umamin ako na buntis ako nagbago pakikitungo nya sakin.. Gabi gabi umiiyak ako dhl pakiramdam ko nadisappoint sya sakin.. Pero unti unti natanggap nya din.. Nagkaron lng kami ng heart to heart talk.. Nilabas nya lahat ng sama ng loob nya sa nangyari pero pagkatapos nun ok na lahat.. Kc at the end of the day pamilya pa dn ang isa sa susuporta at magmamahal sayo at sa baby mo..

Magbasa pa