12 Replies

Sorry mamsh ha?pero napaka walanghiya naman ng partner mo. Napaka gago lang. Anung hindi niya tanggap? Tanggap man niya o hindi,siya ang ama. At may mga responsibilidad siya bilang ama ng bata na magsuporta at magsustento. Kung ayaw niya sayo,sana maayos niya man lang sinabi. Napaka gago ng mga lalaki na magagaling lang mambuntis,pero wala namang balls panindigan ginawa nila. Wag mo isiping wala kang kwenta. Kasi siya ang walang kwenta. Yung pagsabi ng ganun sayo,hindi niya ikinagaling yun. Gusto kita yakapin mamsh kasi naiintindihan ko nararamdaman mo. Sobrang sakit ng lahat at mahirap sa loob mo lalo na at may baby kayo. Mahirap man,pero lakasan mo loob mo.hindi ka nagiisa.anjan si baby mo.kapitan nyo ang isat isa. Maging lakas nyo ang isat isa. Maging strong ka para sa inyong dalawa. Kakayanin mo ito mamsh. Kumapit ka lang at maniwala na lahat ng ito,may rason. Baka way ito ni God ni ilayo ka sa maling tao at alam niyang maghihirap lang ang buhay mo sa kanya. Inilalayo ka ng diyos sa mali,at dinadala ka niya sa tamang path mo. Magtiwala ka lang sa plan ni God mamsh.

Thank you. Sa pag laan ng oras to cheer me up.

Hello mamsh, I remember what Jesus Christ say's in the Bible " I will never leave you comfortless I will come unto you" siguro I can't comprehend the pain and suffering you have in your heart and mind kasi wala naman ako sa situation mo. Pero all I know na our father in heaven knows you well, and he knows how to help you just kneel down and pray and tell him lahat2 ng nararamdaman mo. May mga bagay sa mundo na di talaga natin na kokontrol pero may mga bagay din walang impossible sa dios. Kayanin mo now mamsh kasi need ni baby, pag malungkot ka malulongkot din sya.. Isipin mo muna anak mo ngayon hayaan mo na lang na dumating sa point na yong ama ng bata ang maka realized na Mali sya! I'll pray for you po na maging malakas because yan ang kailangan mo ngayon . Ingat po❤️

Thank you momsh. Yes ipapasaDyos ko lahat. I know hindi niya kami papabayaan ng baby ko. Salamat.

Di niya kayo deserve ng anak mo, sis. For the mean time hanap ka muna ng mapaglilibangan para di mo maisip yung ex mo, palagi mo isipin na nararamdaman ni baby ang nararamdaman mo. Ganyan din ako noong buntis pa ko, kapag magkaaway kami ng fiance ko halos isang oras panay iyak tapos si baby sa tiyan ko panay sipa, kumbaga feeling ko kino-comfort niya ko. Kaya mo yan, kayanin mo para sayo at lalo na para sa anak mo. Wag mo na isipin yun, malaki lang siguro bayag non pero uurong sa responsibilidad niya. Di niya kayo deserve. God bless nalang sa kanya. Smile ka na ☺️

Thank you momsh. Tumigil din kase akl sa work for the meantime kase online na yung pagtuturo mahirapan din ako.

Sis, nakapag usap na ba kayong maayos? I mean, all of sudden ganon ganon nalang desisyon nya? Hindi kaya may rason bat sya biglang nagkaganyan? Baka may nanira sayo sa kanya? Pero still not a reason naman yun para iwanan ang mag-ina nya. Nakakasuka sya. Marami talagang lalaking walang balls at mahilig mang-iwan sa ere. 😏☹️ Wag kang papayag na hindi sya magsustento sis. Kapal lang ng mukha nya para gawin lahat yan. Selfish. Maging strong ka sis para sa inyo ng baby mo. Hugs and prayers for u! 🤗🙏

Thank you. Sa pag laan ng oras to cheer me up.😊

Stay strong mommy for your baby..hindi biro ang masaktan ng minamahal at iwan....pray and pray and pray...sa ngayon yan ang higit na makalatulong sayo ang magdasal....yan lang ginawa ko ang magdasal ng magdasal everytime na sasagi sa isip k kng ano ano nung muntikan n kmi mghiwalay ni hubby... Nd dn nktulong ang advised ng mga frends k skn kht mgnda advised nla feeling k lalo lng ako nssktan...c God makakatulong sayo 🙂

Lahat ng mga nangyayari sa buhay natin my dahilan. Blessing na din sigurong masasabi na habang maaga nalaman mo na. Kesa nag tagal pa. Tsaka naniniwala ako na ang babae kapag naging mommy na. Mas nagiging strong sila kumpara nung dalaga sila. siguro ang isipin mo nalang muna yung baby mo. Alam namin na masakit yan. Pero kailangan mong magpakatatag para sa baby mo. Kasi ikaw lang ang pwede siyang asahan bilang ina niya.

Yes malaking blessing nga sakin si baby. Kaya kakayanin ko para sa kanya

it is God's way nalang po cguro. Isipin mo nlang hindi sa worth it, ang importante yang anak mo. siya nalang isipin mo. imbes na magmuok ka at isipin siya cheer up at ipakita mong kaya mo. na ok ka lang na wala siya. being successful and happy is the sweetest revenge dear. Someday, meron ding darating na para sau talaga. just pray and think of ur baby.ok? fighting😊

Be strong momsh God has bettef plan for you ☺ 😍 Wait mo si baby lumabas yan magiging happiness mo.

Wow. The audacity... ano iyan biglang umurong bayag niya? Makasabi na walang kwentang ina, siya nga ang walang kwenta e. Nakausap mo na siya? Kausapin mo kung bakit, kung wala naman kwenta rason niya. Let go you don’t deserve na ganyanin ka hingi ka child support hindi yan pwede yong ginagawa nya.

Thank you. Sa pag laan ng oras to cheer me up.😇

Think of your baby po always. Pano pag nagsuicide ka? Di mo na makikita lumaki ang baby mo. Mapupunta ba siya sa tamang landas? And everything else. You dont need to move on. Move forward po mommy para sarili mo at para kay baby. Kaya mo yan! Fighting!

Thank you so much sa pag cheer up sakin mommy. 😊

Kawalan ng Ex husband mo yan, Di nya nakita sakripisyo mo at pag hihirap mo Ingatn mo sarili mo mosh lalo na may baby ka sya yung dapat maging priority mo, Lakasan mo lang loob mo You are worthy! Pray lang lagi

Trending na Tanong