Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mama bear of 1 bouncy superhero
My Birth Story 😍
SKL birth story ko mejo lengthy and late post ito ☺. I gave birth last May 17 pa upon reading ng mga birth stories here I decided to post din baka makakatulong sa iba ☺ 🙏. So here it goes.... May 16 ang aga ko nagising which is unusual kasi madalas 10 am to 12 nn na gising altho naka WHF parin ako that time. Nagising ako ng 8 am sharp kasi sumasakit tiyan ko or puson ko (di ko matukoy FTM here) so bumangon na ako umupo ako sa sala, and pabalik balik ako sa CR para ako binabalisawsaw patak lang lumalabas kapag umiihi ako, nag chat ako sa fren ko na baka malapit na ko manganak tska parang nag bigat na ng private part ko lalo na kapag naglalakad ako, sabi ng fren ko oo daw malapit na ko manganak pero wala pa akong discharge kaya sabi ko baka tatagal pa to ng ilang days. sakto din my check up ako that day pero sa ibang OB kasi close yung clinic ng OB ko since ECQ. 6 pm nagpunta na ako kay OB at yun sinabi ko skanya sabi niya baka nag Labor kana so IE niya ako 1 cm na nga daw, and sabi pa niya maliit daw sipit sipitan ko baka mahirapan ako at mataas pa BP ko 140/90 amd 7 pounds daw si baby kaya kinausap niya ako kung may budget daw ba kmi for CS if ever, so ako kinabahan ako bukod sa mahal ang CS ang hirap mag pagaling eh may tahi na ako kasi naoperahan din ako noong 2017.Binigyan niya ako admission letter doon sa ospital kung saan siya affiliated, pero sabi niya aak ko rin muna sa OB ko at monitor ko din daw BP ko. Pag uwi ko nag work pa ako, kahit nag labor na ako mag i-endorse pa ako sa reliever ko natapos ako mga 9 pm. Before ako natulog nakailang baso ako ng warm water na may luya yun kasi sabi ng mama ko para daw lumabas hangin at mabilis manganak. Uminom rin ako ng aldomet dalawang tablet para sa BP ko. FF May 17 gimising ako maaga mga 6 am at naligo narin just in case bigla akomg mag active labor, btw nakapag decide ako na Doon ako sa OB ko manganak kaya o called her nung may 16 ng gabk para inform siya na 1 cm na ako and binigyan niya ako admission request at swab test request thru viber lang niya binigay kaya i have it printed nalang. So 6 am naligo na ako Sunday na to may 17, tolerable padin amg sakit nag bfast ako, amd sabi ng MIL ko maglakad lakad ako so naglakad lakad ako sa labas ng bahay mga 10 am napagod ako kaya hiniga ko muna, at bandang 10:30 may blood discharge ako pero hindi siya watery eh dry na blood at super konti lang so chat ko ulit ang fren ko sabi niya punta na daw ako ospital so nagpunta na kmi, pagdating namin doon 3cm na ako at 130/90 ang BP ko tinawagan OB ko and sabi ipa admit na ako so 11 am na admit ako, and monitpr narin heart beat no baby and BP KO, nag insert sakin ng 6 pcs primrose, habang di pa active labor kinuhanan ako dugo para sa rapid test. Mga 1 pm na un IE ulit ako 5 cm na daw, mejo sunod sunod na contraction at mejo masakit na, but before ako dalhin sa Labour room swab test muna (at ang sakit tumulo luha ko 😢). Ff mga 3pm IE ulit ako pero 6 cm palang at 70 %effaced, pero grabeh sakit na tlaga ang ingay ko sa Labour room good thing ako nalang mag isa nun halos every 30 minutes IE sakin hanggang sa mag 7 cm at hindi pa nag break water bag ko sobrang sakit na tlaga, this time pala mag normal na BP thanks GOD at dininig niya panalangin ko ayoko tlaga ma CS 😔 😔 mga 6 pm 9 cm na pero hindi parin bumaba si Baby kaya left side lang tlaga ang higa ko nun tas every sakit iniire ko na para bumaba, pinutok mafin ni Ob panubigan ko, 6 15 dinala na ako sa delivery room at parang gusto ko na mag pa CS dito di ko na kaya ang sakit para na akong mamamatay hinang hina na ako dextrosd lang nakakbit sakin last meal ko 9 am pa, so ayun wala padin si OB ko puro resident Ob nandun, tina try ko na ilabas si baby dinadaganan na nila tiyan ko pero wala padin, hinang hina na tlaga ako kaka push hanggang sa narinig ko na nag dry na daw so natakot ako baka ma ECS ako butu maya mYA dumating na OB ako pero di ko na siya nakita dahil nakapikit lang tlaga ako all the time sa sobrang sakit, naramdaman ko tlagA na ginupitan ako, naka dalawang ire lang ako lumabas si baby,di ko na narinig iyak niya kasi tulog agad ako fight after ko siya ilabas 😂 😂 😂 kaloka sobrang pagod kasi.Sobrang thank you at walang sawang pasasalamat kay Lord di tlaga ako pinabayaan nagbunga ang ilang buwan na gabi gabi ako nag rosary ☺ 🙏 P. S. EDD: May 30,2020 BOB:May 17,2020 38 weeks sakto PPS: Buti hindi ako nakinig doon sa ALTERNATIVE OB Ko kaya naman pala inormal pero sobrang laki ng tahi ko, kaya doon sa nagsabi na kapag maliit sipit sipitan CS agad nako try muna i normal pero consider parin safety both. momy and baby yun naman ang mahalaga ☺ Thank u for reading pasensya na po sa lengthy post ☺
May Sipon si Baby
Ask ko lng po sino dito na try na mag pa inom ng Disudrin sa baby 1 month old palang si lo, ok lng kaya yun? Barado kasi ilong niya pero wala nmn nalabas na sipon naiirita siya pag nakahiga kaya karga ko lng lagi. TIA
When to cut baby's nail
Hi mga momsh ask ko lang sana po sana kailan pwede gupitan kuko ni baby ang haba na po kasi he's 28 days old btw. Thank you in advance sa mga sagot ☺