Gusto ko lang maglabas ng sakit sa puso ko.
Ang hirap pala mga mommy na yung taong sobrang mahal mo eh iwan ka sa altar to the point na nakaplano na lahat. Iniwan niya ako at si baby. March before maglock nasa bahay pa nila ako sobrang saya pa namin. Nung march 9 tumawag principal namin na kailangan daw ako sa school. March 10 ultrasound ko dapat. Biglaan lahat. Biglang nagdesisyon live in partner ko na umuwi muna ako para tapusin yung sa school papers. March 9 umuwi ako. Nd nako nakabalik sa pampanga dahil sa lockdown. Dun na nag umpisa gumuho isa isa lahat ng pangarap ko. Una nalaman ko cancel yung marriage lincense namin i dont know bkit na cancel complete naman lahat ng requirements namin. Second bigla na lang siyang nanlamig hanggang sa nakihiwalay na siya ng tuluyan. Pangatlo sinabi niyang nd niya tanggap baby namin pinaalis niya yung apelyedo niya sa pangalan ng baby namin. Pang apat sinabihan pa niya ako na wala akong kwentang ina. Wala akong kwentang babae. Hindi ko na alam iinisip ko. Sobrang nasasaktan na ako mga mommy. Kinakaya ko nalang lahat para sa baby ko. Please cheer me up. Pagnalulungkot ako kung ano anong suicidal thoughts naiisip ko. Pinanghihinaan nako ng loob. Hindi ko na kaya. Nqhihirapan nako. Gabi gabi nalang akong umiiyak ng patago. Ultimo pag naliligo ako naiiyak ako. Basta nag iisa ako bigla nalang akong mapapaluha.