Gusto ko lang maglabas ng sakit sa puso ko.

Ang hirap pala mga mommy na yung taong sobrang mahal mo eh iwan ka sa altar to the point na nakaplano na lahat. Iniwan niya ako at si baby. March before maglock nasa bahay pa nila ako sobrang saya pa namin. Nung march 9 tumawag principal namin na kailangan daw ako sa school. March 10 ultrasound ko dapat. Biglaan lahat. Biglang nagdesisyon live in partner ko na umuwi muna ako para tapusin yung sa school papers. March 9 umuwi ako. Nd nako nakabalik sa pampanga dahil sa lockdown. Dun na nag umpisa gumuho isa isa lahat ng pangarap ko. Una nalaman ko cancel yung marriage lincense namin i dont know bkit na cancel complete naman lahat ng requirements namin. Second bigla na lang siyang nanlamig hanggang sa nakihiwalay na siya ng tuluyan. Pangatlo sinabi niyang nd niya tanggap baby namin pinaalis niya yung apelyedo niya sa pangalan ng baby namin. Pang apat sinabihan pa niya ako na wala akong kwentang ina. Wala akong kwentang babae. Hindi ko na alam iinisip ko. Sobrang nasasaktan na ako mga mommy. Kinakaya ko nalang lahat para sa baby ko. Please cheer me up. Pagnalulungkot ako kung ano anong suicidal thoughts naiisip ko. Pinanghihinaan nako ng loob. Hindi ko na kaya. Nqhihirapan nako. Gabi gabi nalang akong umiiyak ng patago. Ultimo pag naliligo ako naiiyak ako. Basta nag iisa ako bigla nalang akong mapapaluha.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry mamsh ha?pero napaka walanghiya naman ng partner mo. Napaka gago lang. Anung hindi niya tanggap? Tanggap man niya o hindi,siya ang ama. At may mga responsibilidad siya bilang ama ng bata na magsuporta at magsustento. Kung ayaw niya sayo,sana maayos niya man lang sinabi. Napaka gago ng mga lalaki na magagaling lang mambuntis,pero wala namang balls panindigan ginawa nila. Wag mo isiping wala kang kwenta. Kasi siya ang walang kwenta. Yung pagsabi ng ganun sayo,hindi niya ikinagaling yun. Gusto kita yakapin mamsh kasi naiintindihan ko nararamdaman mo. Sobrang sakit ng lahat at mahirap sa loob mo lalo na at may baby kayo. Mahirap man,pero lakasan mo loob mo.hindi ka nagiisa.anjan si baby mo.kapitan nyo ang isat isa. Maging lakas nyo ang isat isa. Maging strong ka para sa inyong dalawa. Kakayanin mo ito mamsh. Kumapit ka lang at maniwala na lahat ng ito,may rason. Baka way ito ni God ni ilayo ka sa maling tao at alam niyang maghihirap lang ang buhay mo sa kanya. Inilalayo ka ng diyos sa mali,at dinadala ka niya sa tamang path mo. Magtiwala ka lang sa plan ni God mamsh.

Magbasa pa
5y ago

Thank you. Sa pag laan ng oras to cheer me up.