Ang hirap pala makabuo ng baby. We thought madali lang pero 4 years in the making din. Dami pinagdaan pero worth the wait ?. Pray. Hope. And Don’t worry ??
2015- got married ??
2016- trying to get pregnant (waley)
2017- fertility work-up and meds started (after ma-clear sa labs and procedures). Kasabay na dyan ang pagsayaw sa Ubando Church. Nagdasal sa halos lahat ng santo.
2018- Ectopic pregnancy February ?
-( April 2018)nagdeactivate ng ibang social media (para iwas stress na rin)
-(September 2018) I stopped the fertility meds kasi nakakapressure
-(November 2018) - started no pork diet. Pero dinamihan ang okra and other veggies and fruits.
-(November 2018)- EXERCISE. Naglalakad pauwi from workplace hanggang bahay. 1 hour din yun. Iwas traffic, nakapag exercise pa ako ???♀️ (from Wack-Wack to RMC)
2019- Happy New Year! ?
March 2019- alam ko March 28 yun. Wala ako barya sa 1k. Napabili ako ng pregnancy test sa Watsons kasi mura lang at buy 1 take 1 pa. Kaya yun ang binili ko dahil halos 2 weeks wala pa ako menstruation eh normal naman monthly menses ko. Pag uwi ko sa bahay ng 6pm, nagtry lang ako mag PT kasi sayang naman binili ko at sanay naman ako na negative lagi results. Unexpectedly ... I passed the pregnancy test! ?
In God’s perfect time. Ibinigay nya rin sa amin ang tangi naming hiling na mag-asawa: Si iapotpot ????.
Kaya wag mawalan ng pag-asa. Learn to love yourself too. Self-care is not being selfish. Minsan sa sobrang stress, hindi mo na nakikita needs ng katawan mo, physically, emotionally and mentally. Wag kalimutan magdasal. Spiritual needs- don’t forget. Have Faith. Just keep praying ??? In God’s perfect time- darating din wish nyo magkababy.
Here’s our Rainbow baby ? ??
Maria Hermione- 5 months old na ?????
MICHELLE KRISHA BAROGA