Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ito ang motto ko sa buhay. Wag kang umasa sa ibang tao. Dahil eventually wala ka din sisisihin kundi sarili mo. Kung wala kang maasahan sa partner mo, fine. But it doesnt mean na ikaw wala kang magagawa. Tayong mga nanay gagawin lahat para sa anak natin at hndi mo maasahan na ganun din ang partner mo. Ang maturity hndi naiinstill. Hndi din natuturo. I hope you wont feel bad sa sinabi ko. It just an advice from one mother to another

Magbasa pa
6y ago

Best advice sis.. super agree.... Iaapply ko din to sa sarili ko