Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakainis naman yang LIP mo.. buti pa ung partner ko, monthly may allowance kami ni baby pang check up at pambili ng food at vitamins.. tho nasa Saudi din kasi siya so un na ang support nya, kahit minsan kulang pero pede na.. atleast meron kesa sa wala.. Napaka immature ng partner mo, sa center libre mga lab test, ayaw ka pa nya samahan? Well momsh if i were you, tiyagain mo nang ikaw mag asikaso sa inyo ng baby mo, kht wag mo na isama LIP mo, msstress ka lng sknya..punta ka na ng center, libre naman laboratory test, check up at vaccines.. kasi ako, kahit ako lng magisa nagpapa check up, kinakaya ko kasi nasa malayo partner ko..

Magbasa pa