Share ko lang

Ang hirap nung kahit pamilya mo sila e parang ang hirap pa rin. Nandito ako ngayon sa family ko buntis mula pa naman noong nag live in na kami ng boyfriend ko bago ako mabuntis e dito na kami kasi ayoko naman kasi na sa side kami ng bf ko mag stay dahil medyo hindi ko rin naman totally close ang family niya lalo na ang mga kapatid ng kinakasama ko medyo mailap pa. ngayon ang ginagawa namin e nagshashare kami ng 700 twice a month para pagkain iba pa yung kuryente. mabait naman ang asawa ko never nagreklamo sa lahat ng gastusin lalo na mga pamilya ko e sobrang makwenta sa lahat ng gastos as in sobra sari sarili kami ng gamit dito sabon colgate lahat ako palang nag asawa kapatid ko parehong babae pero ganito na. masyado sila nakekeelam sa lahat ng gastos namin ng asawa ko ultimo minsan paglabas namin e laging sinasabi na Andami naming pera ganon ganon lalo na may loan kasi asawako malaki at after 3 years palang matatapos pero lahat ng pangangaylangan ko naibibigay niya although sobrang tipid ko na. minsan ako nalang nahihiya sa asawako baka magsawa siya sa ganto alam ko naman kahit hindi nagsasalita yon may pakiramdam din yon. kaya naiisip ko gusto ko nalang bumukod pero walang choice hindi pa namin kaya. alam ko naman iniisip ng parents ko yon para sakin lang pero sobra na kasi minsan parang kahit ako others na sakanila dahil alam nila may trabaho naman ang asawako hay.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tiis na lang talaga magagawa mo at nakikitira lang kayo kahit sabihin mo nagshashare kayo. Kung tutuusin yun 1400 per month na share nyo maliit lang yun kaya wag ka makwenta. Kaya hindi din nagsasalita asawa mo kasi alam din nya sa sarili nya wala syang karapatan.